Chapter 12: ONE WEEK DEAL I

948 19 7
                                    

Kinabukasan

Paggising ko ay may naamoy akong mabango, hindi pagkain ah, bulaklak ata iyon. Bumangon ako at inikot ko ang mata ko sa paligid, nakita ko sa ibabaw ng study table ko ay may 3 carnation  at may note na nakalagay

[TABS, good morning I hope you like it. Alam ko namang mahilig ka talaga sa carnation eh -- Ghyan]

Napangiti siya, naalala niya dating asaran nila iyon ni Ghyan, YATS ang tawag niya dito at TABS ang tawag nito sa kanya, payatot kasi dati si Ghyan. Kahit noong sila na ay iyon pa din ang tawagan nila.

Bumaba siya para nagtanong sa mga tao sa baba kung nasaan si Ghyan, nung pababa na siya ay nakita niya ang mama niya at si Ghyan na magkausap sa sala, may hawak na rose ang mama niya.

“Good morning Tabs” nakangiti niyang bati sa akin.

Shocks! Wala pa akong kayos-ayos, nginitian ko siya ng alanganin.

“Akyat muna ko sa taas ah,” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umakyat na ko. Nag-ayos at bumaba na ako.

“Chloe, nakakatuwa tong kababata mo, niloloko ako, liligawan ka daw niya. At ako daw muna ang liligawan niya para daw pag sumang-ayon ako wala ka na daw palag.”

“Maloko lang talaga yan si Ghyan ma, wag niyo na lang pansinin.”

“Paano po pag niligawan ko talaga si Jenith, papayagan niyo ba ako tita?”

“Naku, loyal ako kay Kiro, yon ang boyfriend ni Chloe.”

“Ay, wala na nga akong pag-asa kay Tabs, wala pa akong pag-asa sa inyo.” Kunwaring nagtatampo si Ghyan. Ang cute ng hitsura niya, nagmukha siyang kunwaring malungkot

“Kung sino ang mahal ng anak ko, doon ako.” Safe namang sagot ng mama ko. “Chloe, kumain ka na doon” baling ni mama sa akin.

“Sige po ma.” Pumunta ako sa kusina at sumunod naman sa akin si Ghyan.

“Bakit ang aga mong pumunta dito?”

“May one week lang ako, para mapatunayan kong mahal talaga kita, kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras?”

Oh! Ito na naman ang pagiging sweet ni Ghyan, yan ang minahal ko sa kanya ng sobra dati. Kahit lagi niya akong inaasar minamahal ko pa din siya kasi sobrang sweet niya talaga. Pero… DATI iyon, iba na yong ngayon.

“Ano ba ang dapat kong sabihin?” wala akong maisip kaya nagtanong na lang ako sa kanya. Hihilahin ko na ang upuan pero naunahan ako ni Ghyan, pinagtulak niya ako ng upuan at pinaupo ako.

“I-cheer mo ko, kahit goodluck kiss pwede na sa akin.” Bulong niya sa tenga ko.

“Eh kung binabatukan kaya kita diyan?” Iningusan ko siya.

“Akala ko makakalusot ako, hindi pala.” Nakakalokong ngiti ang binigay niya sa akin, habang umuupo na din siya sa katabi kong upuan.

“Kumain na nga tayo, gutom ka lang yata.” Kukunin ko na ang kanin pero naunahan na naman ako ni Ghyan, siya ang nagsandok para sa akin at siya din ang naglagay ng ulam sa pinggan ko. Nagsisimula na talaga siya. Yan ang nasabi ko sa sarili ko.

Nagsandok na din siya ng pagkain para sa sarili, at tahimik siyang kumain. Palihim ko siyang pinagmasdan, nagbago na ang pisikal na anyo niya. Binatang-binata kung kumilos at hindi na din siya payatot ngayon, hindi ko na siya pwedeng tawaging yats kasi hindi na bagay sa kanya iyon.

“Pwede ka nang kumain Tabs, I know gwapo ako pero hindi ako pwedeng gawing ulam, pang-dessert lang ako.”

Napahiya ako, nahuli niya pala akong nakatingin sa kanya.Ganon katagal na ba akong nakatingin sa kanya?

“Huwag mo akong tawaging Tabs, hindi ako mataba at lalong hindi mo na ako girlfriend.” Nasabi ko na lang para takpan ang pagkapahiya ko.

“I know that. You’re to sexy para tawaging Tabs, pero payagan mo kong tawagin ka ng ganon, endearment ko lang sa’yo. Uso naman ang ganon diba?”

“Okay.” Pagsang-ayon ko na lang, may punto ito uso na nga iyon ngayon. Kahit sila ni Michael ay may tawagan. “Pero pwede na yata tayong kumain?”

“Ikaw lang naman diyan ang hindi pa kumakain eh.” Nakangiti niyang sabi.

Haist. Hilig niya pa rin talagang asarin ako. Hindi na ako kumibo kumain na lang ako.

Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ko. Naligo ako at nag-ayos for the second time around ^_____^

Papaba na ko sa hagdan at nakita kong close talaga sila ni mama, nagtatawanan sila parehas.

Hmm.. ano kayang plano ng lalaking ‘to? Paano niya kaya papatunayang mahal niya pa rin ako at deserving siyang maging boyfriend ko ulit.

“Oh ito na pala si Chloe eh.” Nakangiting baling sa akin ni mama. Mag-iikot daw kayo nitong si Ghyan, siya daw muna ang boyfriend mo habang wala si Kiro, pinayagan ko na makulit eh.

“Tara na Tabs.” Hindi niya na ako hinayaang magkomento. Iniabrisete niya ang kamay ko sa braso niya.

“Aalis na muna kami ma.” Paalam ko kay mama.

Nang makalabas kami sa gate ay napansin kong may dala siyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako sa loob. Hinawakan niya ang seatbelt at akmang ikakabit sa akin.

“Uy  ako na, kaya ko na yan.”

Hayaan mo na ko, isa yan sa mga gawain ng boyfriend.” Kinabit niya na ang seatbelt at pumasok na din sa loob ng sasakyan. Speechless ako.

Ini-start niya na ang makina at nagbiyahe na kami. Nang makalabas kami ng subdivision ay naisip ko ng magbukas ng topic. ”Saan tayo pupunta ngayon?”

“Kay mama, gusto koa daw niyang makita eh.”

Pumunta kami sa bahay nila at katulad dati ay napakabait ng mama niya sa akin. Humingi din ng pasensya si tita Mabelle sa pag-alis nila ng walang pasabi, kung naglihim ako kay mama, si Ghyan pala ay hindi, alam ng mama niya ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Ang papa ni Ghyan ay nasa Batangas daw at may inasikasong business, kaya wala doon ng pagpunta namin.

Alas-siyete na ng ihatid ako ni Ghyan sa bahay, pagkagaling kasi namin sa kanila ay naisipan pa naming kumain sa labas. Nakakapagod ang araw na ito pero masaya ako dahil hindi ako gaanong nagkakaroon ng oras para isipin si Kiro.

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon