*Chapter 2

3.4K 85 1
                                    

A/N: Late update! *peace!*

Gian's POV

Napanganga ako ng talikuran ako ni Michelle at napailing. Pero agad akong napangiti ng maalala ang nangyari kanina. Hindi ko akalaing iyon ang mangyayari dahil hindi naman yon ang intensyon ko. Naalala ko kung paano lumapat ang labi nya sa baba ko.

Sayang at hindi ikaw ang type ko. Sayang. Wahahahaha!

"Why are you smiling like that?" Gulat akong napatingin sa ka harap ko at nawala ang ngiti ko dahil sobrang seryoso nya at nakakunot ang noo.

"PJ! Saan ka galing?" Sabi ko at binigyan sya ng nakakalokong ngiti pero seryoso sya at biglang naglakad. "Hoy! Ano?!" Tanong ko pa.

"Niyaya ako ni Liezel mag coffee , okay? Masaya ka na?" Inis nyang sabi.

"Woah. Bakit galit ka?" Tanong ko.

"Sinong matutuwa diba?" Inis na namang sabi nya.

"Bakit ano bang nangyari?" Tanong ko ulit.

"She's been acting as if she is my girlfriend! Tapos parang iniinggit pa lahat ng makasalubong namin. Wala naman akong magawa kundi ngumiti ng pilit!" Inis na kwento nya.

"Hahahahahaha!" Tinawanan ko lang sya.

"Wag mo nga kong tawanan baka ikaw ang masapak ko dyan!" Sigaw nya pa.

"Kailangan mong magtiis , man." Sabi ko naman.

"Yun lang naman talaga ang pwede kong gawin diba? Kung hindi lang talaga! Arggh!" Sabi nya at napahilamos pa sa mukha.

"Kung hindi lang talaga ano?" Pang aasar ko pa.

"Alam mo naman diba?!" Sigaw ulit nya.

"Bakit 'di mo masabi?" Asar ko pa.

"Baka may makarinig!" Naiinis na talagang Sigaw nya.

"Bakit ayaw mong may makarinig?"

"Baka malaman nya!"

"Bakit ayaw mong may malaman nya?"

"Go to hell , Gian. D*mn you."

"Hahahaha!"

"Teka. Anong yang nasa baba mo?" Nakakunot ang noong tanong nya. Natigilan ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya.

"Anong nasa baba ko?" Tanong ko din dahil hindi ko talaga alam.

"Parang pink nakalat kalat eh." sabi nya at napaisip ako.

Secretly In Love With You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon