Michelle's POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising para puntahan si PJ upang malaman kung ayos na ang lagay nya. Nasabi naman na sakin ni Patricia kung saan yung address nila at mabuti nalang at alam ko kung saan iyon.
Huminto ako dahil may checkpoint sa village na ito. "Ma'am, saan po kayo pupunta?" Tanong nung guard na nandoon.
Ngumiti ako sa kanya. "Lot 14, Block 290 po."
"Sandali lang po ma'am." Nakita ko syang may tiningnan syang notebook at tumingin ulit sakin.
"Ma'am ano nyo po si Sir Javier?" Tanong nya.
"Classmate po." Agad kong sabi.
"Ay pasensya na po ma'am pinagbawal po kasi ni Ms. Patricia na bumisita ang mga kaklase ni Sir PJ." Sabi nya at nagtaka naman ako.
Bawal? Alam nya naman na pupunta ako dito ah?
"I know that kuya! I'm just kidding! I'm his girlfriend! Don't you remember me?" Kinapalan ko na ang mukha ko at sinabi iyon.
"Sige po. Tatawagan ko lang si Sir." Napapikit nalang ako, baka kung ano ang ispin ni PJ.
"Good morning po Sir. Nandito po yung girlfriend nyo daw." Narinig kong sabi ni manong tumingin sakin. "Ma'am ano pong pangalan nyo?"
"M-Michelle Ventura po."
"Sige po Ma'am pwede na." Sabi ni Manong.
"Thank you po."
Napahampas nalang ako sa manibela ng kotse ng maisip ang sinabi ko. Nakakahiya! Baka isipin ni PJ assuming ako.
Mahaba ang naging takbo ko at humito ako sa tapat ng bahay nila. Napahinto pa ako at nagdadalawang isip kung bababa na ba ako.
May nakita naman ako na katulong base sa suot nya na binuksan yung gate at lumapit iyon sa kotse ko kaya bumaba na ako.
"Good morning po Ma'am! Kayo po ba ang girlfriend ni Sir?" Nakangiti nyang sabi na parang natutuwang makilala ako.
"A-Ako nga po." Sabi ko pinanindigan na ang sinabi ko kanina. Hays!
"Tara pasok po kayo." Sabi nya at sinabayan ako sa paglakad. "Ako nga pala si Yanny. Ate Yanny nalang ang itawag mo sakin. Ang ganda ganda mo pala talaga, bagay kayo ni Sir." Sabi nya at nahiya naman ako.
"Thank you po. Michelle po pala." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti kahit nahihiya pa ako.
"Tama ikaw nga yan!" Sabi nya at ngumiti ng malaki.
"Bakit po?"
"Madalas ko kasing naririnig na ikinikwento ka ni Sir kay Ma'am Patricia. Secret lang iyon ah, hindi nya alam na nakikinig ako eh." Sabi nya at nanlaki naman ang mata ko.
"Talaga po?"
"Oo nga Ma'am Michelle! Halatang halata na inlove sayo si Sir eh!" Dagdag nya pa.
Napangiti naman ako at kinilig kahit na baka hind naman iyon totoo. "Ganoon po ba?"
"Oo Ma'am. Sige po may gagawin pa ako, akyat ka nalang dyan. Yung pangalawang pinto po."
"Sige po salamat."
Huminto muna ako at pinakalma ang puso ko. Hindi ko pa sya nakikita pero kinakabahan na ako. Pero totoo kaya na inlove sakin si PJ? Argggh. Erase, erase.
Umakyat ako at pagkadating ko sa tapat ng pangalawang pinto ay huminga ako ng malalim tsaka kumatok at binuksan ang pinto.
Naabutan ko sya na nakahiga at balot ng kumot. "PJ, pumasok na ako ah?" Sabi ko at lumapit sa gilid ng kama upang maupo.
"Ayos ka na ba?" Tanong ko at nagulat ako ng bigla syang umupo.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With You [COMPLETE]
Novela JuvenilSome people are choosing to love someone secretly because they are afraid of this thing we called rejection. Rejection can really hurt a person. But how can you prove you love someone if you're afraid to tell and show it?