Michelle's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako---kami makapaniwala na tuluyan na kaming iniwan ni Liezel. Tanging pag-iyak nalang ang nagawa ko nang marinig ko ang sinabi ng Doctor.
Ngayong gabi ay ika-tatlong araw na ng burol nya. Mga kamag-anak, kaklase, kaibigan at ilang guro ang nakiramay kay Liezel. Ang iba ay hindi makapaniwala dahil sobrang bata pa daw nya at ang huling kita pa daw nila dito ay malakas at masaya.
Lumapit ako kay Tita Lien na nakabantay sa harap ng kabaong ni Liezel. Mugto at namumula pa rin hanggang ngayon ang mata nya, idagdag pa ang paglaki ng kanyang eye bags dahil hindi na sya natutulog para lang magbantay.
"Tita Lien, magpahinga po muna kayo. Ako na ang magbabantay kay Liezel." Sabi ko sa kanya pero nginitian nya lang ako.
Tatlong araw na rin akong nandito sa kanila, mabuti nalang at pinayagan ako ni Mommy. Nagulat nga din sya ng ibalita ko ang nangyari, hindi daw sya makapaniwala dahil ang akala nya ay sabay kaming tatanda ni Liezel na magkasama.
"Ayos lang ako, Michelle. Ikaw, kumain ka na ba?" Tanong nya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot para kay Tita. Nag-iisang anak nya lang si Liezel kaya siguradong makakaramdam sya ng pangungulila.
"Tapos na po Tita. Kumain na po kayo, kaninang umaga ka pa po hindi kumakain."
Pilit kong sabi sa kanya."Busog pa ako. Salamat nalang, ija." Ngumiti ako at tumayo na muna. Baka gustong mapag-isa ni Tita at ayaw nya ng may kumukulit sa kanya.
Pumasok ako sa kusina at napaupo ako ng may makabangga ako. Nang maamoy ko ang pabango nya ay nakilala ko kung sino.
"P-PJ." Sa sobrang occupied ko ay nakalimutan ko ng nandito sya.
Tinulungan nya akong tumayo at tinanong kung ayos lang ba ako. Parang may kuryenteng bumalot sa katawan ko ng mahawakan nya ang bewang ko. Alam kong hindi ito ang tamang oras para kiligin kaya umiwas nalang ako.
"A-ayos lang ako." Sabi ko at iiwas na dapat pero hinatak nya ang kamay ko.
"Can we talk?" Sabi nya. Kumalabog naman ang puso ko at gusto ng malaman ang sasabihin nya.
"Oo naman." Sabi ko at umupo. Gusto namang sabunutan ang sarili ko, bakit ako pumayag? Ayoko muna sana syang kausap dahil naaalala ko yung sinabi ni Liezel kaya naiiilang ako.
Hindi ko alam kung ako ba ang dapat magsabi nito pero ikaw pala talaga ang gusto nya...
"Michelle, hindi ko alam kung saan ko uumpisahan 'to pero alam kong may nakapagsabi na sayo na gusto kita, let me rephrase that, mahal kita."
Hindi ko maiwasang ngumiti at kiligin ng marinig iyon mismo na sinabi nya.
"Kailan pa? Paanong nangyari yon?" Ilang araw ko rin pinag-isipan ang sagot sa tanong na iyon, pero sya lang ang nakakaalam.
"Matagal na. Noong merong celebration for the alumni sa school natin at nagperform ka, I started to secretly loving you."
Napaisip ako, ang alam ko last 2014 pa yun ah?
"I'll admit na torpe ako dahil hindi ako makalapit sayo. Kaya kinailangan kong gamitin si Liezel para mapalapit sayo, and that's really bad dahil alam kong nasaktan ko sya." Sabi nya at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng guilt.
"Why are you saying this to me?" Tanong ko. Gusto ko man ang mga sinasabi nya syempre kailangan ko din mag pakipot.
"Because I love you. I finally say that word to you and it feels heaven." Sabi nya at ngumiti na syang kahinaan ko.
Wag yan pakiusap.
"I'm sorry PJ pero wala pa akong masasagot dyan." Sabi ko at agad tumayo dahil papatak na ang luha ko.
I want to slap myself, that's my chance to finally say that I love him to but guilt is eating my whole mind!
Pinupunasan ko ang luha ko at a pangalawang pagkakataon ay may nakabangga ako.
Its Khalil.
Tumingala ako sa kanya. Hindi ko alam na nakarating na pala sila kasama ang iba naming clubmates na kilala rin si Liezel.
"Why are you crying?" Tanong nya. Kahit madilim ay napansin nya pa din na umiiyak ako.
"Uhm, syempre kaibigan ko si Liezel hindi maiiwasan maiyak." Pagsisinungaling ko but half of that is true.
"You're lying." Sabi nya at kasabay non ang pagtawag sakin ni PJ mula sa likod kaya agad kong hinila si Khalil palayo. "He's the reason, doesn't he?"
Nang makatakbo kami ng malayo ay umupo kami sa isang malaking bato. Naiyak na ako ng malakas dahil hindi ko na napigilan.
"Alam kong bastos na magdrama sayo gayong alam ko ang mararamdaman mo pero pwedeng paiyak?" Sabi ko at iniakbay naman nya sakin ang braso nya kaya lalo akong naiyak.
"Dapat masaya ako dahil narinig ko na mismo galing sa kanya na mahal nya ako pero bakit naiiyak ako?" Sabi ko.
"Tears of joy?" Seryoso nyang sabi kaya hinampas ko sya.
"Khalil naman eh!" Sabi ko habang sinisingahan yung damit nya, it seem okay naman kaya gora.
"Pinapatawa lang kita dahil ayokong nakikita kang umiiyak. " Napatigil ako at napatingala sa kanya.
"Khalil, alam mo naman diba?" Sabi ko and I was pertaining that he already know that I love PJ.
"Yeah hindi mo kailangang ulitin kasi masakit." Sabi nya kaya napayuko ako
"Khalil.."
"Hey I'm just kidding. You're to emo." Sabi nya at tumawa.
"Thank you Khalil, thanks for being here in my side." Sabi ko at isinandal sa balikat nya ang ulo ko.
------
A/N: Omo fafa PJ I feel so sorry to you!
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With You [COMPLETE]
Ficção AdolescenteSome people are choosing to love someone secretly because they are afraid of this thing we called rejection. Rejection can really hurt a person. But how can you prove you love someone if you're afraid to tell and show it?