*Chapter 6

2.3K 75 7
                                    

Michelle's POV

Kinabukasan , maaga akong pumunta ng club room dahil ayokong malate. Thursday ngayon at free kami bukas.
Marami na sila ng dumating ako, syempre ayaw rin nilang malate. At dahil loner ako sa unahan nalang ako umupo. Nakakahiya talaga dahil wala man lang akong makausap. Afterwards, dumating na din si Ma'am at good to know na walang late.

"For our first activity, I will group you in three, so one group will have a seven members. Is that clear?" Sabi ni Ma'am at nag yes kami.

Mukhang sinuswerte yung mga babaeng naabutan ko kahapon dahil sila yung magkakagroup. Yung second group halos mga lalaki naman. Napatingin naman ako ng tawagin na ang pangalan ko. Okay lang naman sakin kahit sino dahil wala naman talaga akong kakilala dito.

"Okay. So in this activity, you have to sing a song about anything you want. Papakinggan ko palang kasi muna ang mga boses nyo. And being in a group, dapat kayo ang mag-isip ng sarili nyong strategy para marinig ko lahat ng boses nyo. " Sabi ni Ma'am. "Mayroon namang dalawang leader by group. " Dagdag ni Ma'am.

"Ms. Ocampo and Ms. Lopez group 1." Napatingin naman ako doon sa dalawang babae na nagulat. So probably sila yon. "Mr. Aguilar and Mr. Santos group 2." Hindi ko alam kung ano ang apelyido nung lalaking sinabihan ni Ma'am na maganda ang boses, yung naka eyeglasses, isa kasi sya sa leader. Yung isa namang leader, naka cap na parang bored na bored. "Ms. Ventura and Ms. Rubio, group 3." Nagulat ako kaya napatingin ako sa mga ka group ko dahil hindi ko alam kung ako yung 'Ms.Ventura' dahil baka may ka apelyido lang ako. "You all look confused." Natatawa na sabi ni Ma'am.

"All leaders I call, go in front." Nag tayuan yung lima samantalang iniintay ko kung may tatayo pa bang iba dito sa ka group ko. Napatayo naman ako bigla ng tingnan ako ni Ma'am.
Bawal maarte! Bulong ng isip ko. So ako nga siguro.

"Introduce yourselves. "

"I'm Diana Ocampo, 17 years old from Section E." Sabi ni Diana at proud na ngumiti. Yung katabi nya naman ay halatang kinakabahan.

"Can you tell something about you? More?  Like hobbies? " sabi ni Ma'am.

"I am a theater actress last year in Theater Club."

"Why did you join here?" Tanong pa ni Ma'am.

Napangiti si Diana. "I more like singing Ma'am. "

"Oh. Okay." Sabi ni Ma'am.

"I-I'm Aika Lopez , 17 years old, f-from Section B. I'm the p-president in our room and I'm a singer in a...a--"

"It's okay Aika. You can take your sit." Sabi ni Ma'am.

Proud naman na tumayo sa gitna yung lalaking nakasalamin. Inayos nya muna ang salamin nya bago nagsalita.

"I'm Paulo Aguilar. 18 years old , from Section C." Sabi nya. Section C lang sya? Eh mukha syang matalino ah. "I love performing in stage as well as I love reading a book. I'm one of representative last year in a journalism and I won the first place. I also--"

"Enough Paulo." Sabi ni Ma'am. Napakamot naman si Paulo sa ulo nya. Napangiti ako. Ang daldal nya ah.

Tumikhim muna si kuyang naka cap bago nag salita. "Khalil Santos." Sabi nya at lumakad na pabalik sa upuan nya.

"That's all Mr. Santos?" Tanong ni Ma'am. Grabe naman kasi sya. Pangalan lang talaga sinabi.

"Yes Ma'am. Nothing else is  important. " sabi nya.

"I'm Caylenne Rubio. 18 years old. From Section C." Napatingin ako sa katabi ko dahil nagsalita na sya. Ako pa tuloy ang last! "I'm a choir member in our church." Dagdag nya.

"That's good. " Sabi ni Ma'am tapos tumingin sakin at ngumiti.

What's with the smile?

"M-My name is Michelle Ventura. 17 years old, from section A." Sabi ko. Medyo nahiya pa ako dahil ako lang ang nasa Section A dito. At dahil nga nahiya ako, umupo na ako agad na hindi at inexpect ni Ma'am dahil nakatingin pa sya sakin.

Nakakahiya!

"Okay.. You may work with your groupmates."

Bago naman kami nag start, nagpakilala muna yung iba naming kagroup. Jamaica, yung cute na cute with her bangs. Carlos, yung parang walang problema dahil ang laki ng ngiti. Nikko, masungit na mabait. Gelo, maitim na gwapo. Sorry sa description, honest lang.

Ang napagusapan naman namin na kakantahin ay Counting Stars. Si Caylenne ang nag suggest dahil mas gumaganda daw yung kanta na yon pag group ang kumakanta at nag agree naman kami sa kanyang lahat.

***

After ng napagusapan namin kanina sabay sabay na kaming nag lunch break. Wala din naman daw kasi silang ka close na iba don. Well, may classmates sila pero di naman nila kaclose.

"So guys, Saturday na lang ang practice?" Tanong ko. Tumango lang sila dahil may nginunguya pa sila. Napangiti nalang ako. Tuesday pa kasi ang performance kaya marami pa kaming time.

"San ba magpapractice?" Tanong ni Carlos.

KATAHIMIKAN

Napangiti ulit ako. Nagkakahiyaan pa siguro kami dahil ngayon lang naman kami nagkasama sama.

"Uhm. Our house is free if you want. " prisinta ko. Free naman kasi talaga ang bahay namin dahil nasa out of town ang parents ko every weekends well, even weekdays.

"San ba yung inyo?" Tanong ni Jamaica.  Ang cute ng bangs!

"Do you know St. Bernard Street?"

"I'm 3 km away from that." Sabi ni Nikko.

"Parang napuntahan ko na." -Gelo.

"Malayo kami dun eh." -Caylenne

"Same as me." -Jamaica

"I have a car. Kita nalang tayo dito? What do you think? " Tanong ni Carlos.

Nag agree naman naman sila at si Gelo na ang nag volunteer na taga turo ng daan. So everything is settled.

———

A/N: Late update guys! Nasira kasi ang bebe phone ko eh. Hope you like it! Mwah!

Secretly In Love With You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon