*Chapter 28

1.8K 54 6
                                    

Michelle's POV

Weeks had passed and Liezel was still lying on the hospital bed. I keep on waiting her to wake up because I have a lot of questions to ask to her.

Nasabi ko na rin sa mga magulang nya ang nangyari pero mukhang hindi naman sila nagulat, mukhang matagal na nilang alam ang tungkol dito and they just hide it to me.

Sa tuwing magtatanong ako kay Tita Lien ay umiiyak lang sya sakin at laging sinasabi na hindi nya kayang mawala si Liezel. Hindi ko naman maiwasang mailang nang makita ko si Tito Wenzel, since naging mag kaibigan kami ni Liezel ay naging mabuti sya sakin kaya hindi ako nag isip ng kung ano sa kanya.

Pero hindi ko akalain na sya din pala ang tatay ni Wendy na naging dahil kung bakit naging ganoon ang pakikitungo nito kay Liezel.

Ako ang nagbabantay kay Liezel dahil may inaasikaso sina Tito at Tita. Napatingin ako sa kanya ng makita kong dahan dahang dumilat ang mga mata nya.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. "Liezel! Buti at nagising ka na!" Sabi ko at naiiyak na naman.

"Mich.." Kahit nahihirapan ay pilit syang nag salita. Umayos ako ng upo at tumapat sa kanya.

"L-Liezel, ano ba 'to?" Naiiyak kong tanong. "Alam mo b-bang may sakit ka?" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti ang maputla nyang mga labi. "L-Let me guess... I have a cancer?"

"Liezel naman eh!" Sabi ko at naiiyak ako dahil ngumingiti pa sya. "Kailan mo pa alam yan? Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"M-Matagal ko na tong a-alam... Ang totoo nyan, ang sabi ng Doctor dalawang taon nalang ang itatagal ko sa mundong 'to at sobrang saya ko ng umabot pa yon ng tatlong taon.." Sabi nya at kahit nakangiti tumulo ang luha nya.

"Pero alam ko namang may katapusan ang lahat ng saya, last two months, nararamdaman ko ng malapit na ang oras ko.. Bumabalik na ulit yung mga signs na naranasan ko noon." Hindi ko naiwasang umiyak habang nakikinig sa kanya.

"You mean, nung absent ka ng almost weeks ay iyon ang dahilan?"

"Yes, ang akala ko nga ay yun na ang huling oras ko pero hindi siguro matatapos ang paghihirap ko habang hindi ako nakakahingi ng tawad sayo.." Hindi ko man maintindihan ang sinasabi nya ay ngumiti nalang ako.

"Kahit ano man ang nagawa mo, pinapatawad na kita."

Muli syang napangiti kasabay ng pagpatak ng luha nya. Sinubukan nyang abutin ang kamay ko kaya ako na ang kusang nag abot non.

"No Mich.. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sayo kaya ayos lang na hindi mo ako patawarin pero pakinggan mo muna ako.." Kahit naguguluhan ako ay tumango ako tsaka hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"Alam ko na alam mong mahal ko si PJ.." Panimula nya. So this is  about PJ? "Alam ko rin nahahalata mo ang pilit kong paglalayo sa inyong dalawa." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Oo nahahalata ko iyon pero hindi ko na isip na sinasadya nyang gawin yon. Pero para saan?

"Simula ng malaman ko na may taning na ang buhay ko, naisip ko na may mga bagay na hindi ko na mararanasan kaya kailangan kong sulitin ang bawat oras ko.

I tried to be close to PJ at sobrang saya ko na nangyari yon. Simula ng mapalapit ako sa kanya, habang tumatagal may mga napansin ako. Akala ko gusto nya na rin ako, hindi ko alam kung ako ba ang dapat magsabi nito pero ikaw pala talaga ang gusto nya at alam ko ring gusto mo sya."

Doon sumabog ang mga tanong sa isip ko. Gusto talaga ako ni PJ for real?

Huminga sya at halatang nahihirapan na. "I'm sorry for being a hindrance to your love story. Nagawa ko lang yon dahil gusto syang makasama ng matagal at para maramdaman ko kung paano mahalin ng taong mahal ko kahit magkaiba ang lebel ng nararamdaman namin.

I'm so sorry for pulling him away to you. Alam kong gusto nyang mapalapit sayo pero pilit ko syang inilayo dahil kapag nangyari yon makakalimutan at mababalewala na ako.. I'm so sorry Mich.. I'm really sorry." Hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay nya.

"Pero ngayong mawawala na ako, magiging masaya at susuportahan ko kayo. Aminin ko man o hindi, kitang kita naman ng lahat na bagay kayo at kontra-bida lang ako sa kwento nyo. I'm sorry Mich. Sorry for being a selfish friend." Pinunasan ko ang luha ko tsaka hinalikan ang kamay nya.

"Ssssh.. Don't say that, naiintindihan ko na ngayon. Pinapatawad na kita, never kong naisip na magalit sayo dahil best friend kita. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako masaya at talagang malulungkot ako pag nawala ka. So please fight your sick. Fight for me, for us."

"I'm really lucky to have a best friend like you. I can't promise that I can fight this sick but I will try." Sabi nya at ngumiti. "S-Si PJ? Alam nya na ba?"

"Nagpunta sya dito nung nakaraan kaya lang hindi ka nagising. He's also worried to you."

"I-I want to see him, at least for the last time." Sabi nya.

"You said you will try right? Don't say that. We're here. We will help you." Sabi ko at pinunasan ang luha sa mukha nya.

"Thank you Mich."

---

Muling lumipas ang ilang linggo at hindi kami nawala sa tabi ni Liezel habang nilalabanan ang sakit nya. Kitang kita na namin ang pagbabago nya, simula sa kanyang pangangatawan.

Meron na sya ngayong suot na bonet sa ulo nya dahil nagsimula ng maubos ang buhok nya. Namumutla at pumapayat naman ang katawan nya. Kitang kita kong nahihirapan na sya pero pilit syang lumalaban.

Nakausap nya na rin si PJ at kitang kita ko na talagang masaya siya. Nasa loob kami nina, Wendy, Tita at Tito ng magsalita si Liezel.

"Mom... Dad..." Tumayo din kami ni Wendy kahit hindi kami tinatawag.

Naging mahirap ang paghinga nya habang sinusubukan nyang magsalita. "I'm so s-sorry.. H-Hirap na h-hirap na ako.."

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Tita Lien at napayakap nalang kay Tito Wenzel. Si Wendy naman ay lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"No Liezel.. Please don't.. Babawi pa ako sayo diba? Madami pa tayong gagawin, wag ka munang bibitaw.. wag kang susuko..." Sabi ni Wendy habang umiiyak kaya napaiyak na din ako.

"H-Hindi ko na k-kaya.. M-Mahal na m-mahal ko kayo. Gusto k-ko ng m-magpahinga..." Dahan dahan nyang ipinikit ang mata nya at kasabay non ang pagdiretso ng linya na konektado sa kanya.

Napahagulgol kami at buti narealize ko pang tumawag ng Doctor. Ilang beses nilang ni revive si Liezel pero napailing nalang ang Doctor.

"She didn't make it. Time of death, 8:32 pm."

---

A/N: 3 chapters to go and we are near to the end!

Thank you for reading!

Secretly In Love With You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon