Michelle's POV
Nasa 8 na kaming nandito dahil maaga akong pumunta. Katulad nang sinabi ko hindi na nga nagklase dahil sa sobrang busy narin.
Medyo na o-op nga ako dito dahil mukhang circle of friends yung mga kasama ko. Nahihiya naman akong kausapin sila, baka kasi isipin nila na feeling close ako.
12:45 PM kompleto na kami at si Ma'am nalang ang hinihintay. Tama nga hinala ko mukhang nasa limang estudyante lang ata ang walang ka close dito at kasama ako doon.
"Good afternoon." Napatahimik at napatingin ang lahat ng dumating na si Ma'am. Sya din yung nakausap ko kanina.
"Before anything else. I will introduce myself first. I'm Alexandra Galleon, Ma'am Alexa will do, I'm a Grade 12 MAPEH Teacher. Kakalipat ko lang dito last 3 months kaya siguro hindi nyo pa ako kilala. And I will be the mentor of this club." Mula sa pagiging friendly na aura naging masungit yung aura nya.
"In this club, all members are must follow my rules. I have a five rules so listen carefully, Pag may nakita akong dumadaldal, go in the front and repeat what I said. First rule, Ayoko ng maarte, Pag tinawag kita , lapit agad hindi yung magtuturo pa, kung aartehan nyo lang ako, doon kayo sa Theater Club dahil mali ang club na sinalihan nyo." Lalong tumahimik ang lahat , agree naman ako kay ma'am dahil nakakainis naman talaga ang maarte.
"Second rule, ayoko ng maingay at madaldal pero wala namang ibubuga, kung alam mo namang magaling ka, go, talk all you want hanggang sa mapaos ang boses mo."
May napatawang lalaki at dahil sa sobrang tahimik, dinig na dinig na iyon.
"Any problem with my second rule Mr.?" Mataray na tanong ni Ma'am. Yumuko at umiling lang yung lalaki na nakasalamin. Nahiya siguro dahil nasa kanya ang atensyon ng lahat.
"I'm talking to you Mr. , Pipi ka ba?" Tanong ulit ni Ma'am.
Oh dead.
"Hindi po Ma'am. " Halos lahat kami ay napa 'woah' ng marinig ang boses nya. Malamig iyon at malaki kaya magandang pakinggan.
"You have a nice voice. I can't wait to hear you singing." Parang namula yung pisngi nung lalaki.
"T-thanks Ma'am." Sagot nya.
"So lets continue, that's my third rule, Ayoko ng pipi, hindi ako nakikipag usap sa hangin. Dito kayo sumali kaya kahit hindi pa kayo kumakanta, dapat mapabilib nyo na ako." Sabi ni Ma'am. Siguro natuwa yung lalaki kanina dahil pinuri sya ni Ma'am.
"Fourth rule, Ayoko ng late, hindi uso sakin ang Filipino-filipino time na yan. Kung anong oras sinabi ko dapat nandito na kayo, as long na hindi ako ang mauna walang paguusapan. And my last rule, Punishment , pag may nakita o nalaman akong lumabag sa batas ko, sorry to say pero may parusa kayo, kasalanan ng isa, damay lahat. But to be fair I'll give 3 offenses, First , warning muna, second, punishment and last, kung makapal talaga ang mukha mo, You have to leave this club." Sabi ni Ma'am at umupo muna.
"Is my five rules, clear?" Tanong nya.
"Yes." Sagot naming lahat.
"Any side comment? Violent reaction? " Tanong nya pa.
"None." Sagot ulit namin.
"Tandaan nyo, this club isn't just a club, this is also your family, kaya ayokong may mag aaway dito. Kung may problema kayo sa mga co-member nyo, talk to me at aayusin natin yan. Is that clear?" Tanong ni Ma'am at nag yes ulit kami.
"Nga pala, 19 palang kayo dito so obviously, we need one more member. We'll gonna wait that 'one' until next week." Dagdag ni Ma'am.
Wala na palang nadagdag kanina nung umalis ako. Sino naman kaya ang huling magiging member namin?
***
Nang matapos kami ay dumiretso na ulit ako ng room. Pinaalala lang ni Ma'am na starting tomorrow morning mag papractice na kami. Every Tuesday and Thursday lang naman ang practice namin kaya hindi naman daw kami mahuhuli sa mga subjects namin.
"Michelle!" Napatingin naman ako sa tumawag sakin.
"Gian?" Tanong ko. Bakit kaya hindi nya kasama si PJ?
"Yeah. Are you expecting someone else? " Tanong nya at ngumisi.
"No." Mabilis kong sagot.
"Ahm. Sa Glee Club ka pa rin ba sumali?" Tanong nya.
Ka pa rin? So alam nya na doon ako sumali dati?
"Why do you know? " Tanong ko.
Nagulat sya sa tanong ko. "I just know." Sagot nya.
Liar.
"So Glee club ka parin?" Tanong nya ulit.
"Yeah." Sagot ko nalang.
"Great. Thanks! "
Great? May balak ba syang sumali sa Glee club?
"Lalim nang inisip mo ah." It's Wendy.
"Excited lang ako bukas." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Bukas na agad start nyo?" Tanong nya.
"Oo eh. Kayo ba?"
"Next week pa. Monday at Wednesday ang schedule namin eh."
Oh dead.
"Seriously? Tuesday and Thursday yung amin eh."
"Mukhang Friday lang tayo magkikita. Hahaha!"
"Nakakainis naman." Sabi ko.
"I know you'll miss me." Sabi nya at kinindatan pa ako.
"Nasan nga pala si Liezel?" Tanong ko. Napairap naman sya bigla.
"Edi kasama yung PJ mo." Sabi nya kaya napatahimik ako.
Bakit pa kasi ako nagtanong?
A/N: This is a short update!
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With You [COMPLETE]
Teen FictionSome people are choosing to love someone secretly because they are afraid of this thing we called rejection. Rejection can really hurt a person. But how can you prove you love someone if you're afraid to tell and show it?