READ FIRST.
A/N: Hello readers! Please read again the last chapter, i edited some part there, para hindi kayo malito. Sorry sa paghintay ng matagal. Bawi ako.
Enjoy reading!
Michelle's POV
"Besh!" Sabi ni Liezel pagkapasok ko ng room. Niyakap nya pa ako kaya niyakap ko rin sya.
"Namiss kita!" Sabi nya nung maglayo kami. Wala pa pala si Wendy.
"Namiss rin kita." Sabi ko.
"Ang dami kong kwento sayo Besh!" Sabi nya. Napangiti ako ng pilit.
Here we go again.
"About what?" Patay malisya kong tanong.
"Me and PJ." Sabi nya at nagblush pa.
Strike one. Bang.
"Ayieee. Anong meron sa inyo?" Push mo yan Mich. Best actress ka na!
"Kasi kahapon may practice kami sa Dance Club eh medyo ginabi kami ng uwi kaya hinatid nya ako samin." Sabi nya at halatang kinikilig. "Tapos bago yun dumaan muna kami sa fastfood chain. Like what Besh? Nakaka turn on yon diba? Hindi sya maarte. " Dagdag nya pa.
At sa bawat dagdag ng kwento nya ay nadadagdagan din ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ba kasi nasasaktan pa ako eh ako naman ang may gusto nito?
"Tapos alam mo Besh? Feeling ko , Gusto na rin ako ni PJ!" Sabi nya at hinampas pa ako.
Strike two. Bang bang.
Ako naman si gaga, walang ibang sinabi kundi 'ayieeee' at 'bagay kayo' kahit ang hirap talagang sabihin.
"Madaming namamatay sa maling akala." Sabay kaming napalingon ni Liezel kay Wendy.
"Wendy!" Sabi ko dahil alam kong si Liezel na naman ang pinaparinggan nya.
"Bakit? Nabasa ko lang yun sa labas. OA neto." Sabi nya niyakap ako.
Hay nako, Wendy.
"Wendy, nakita mo si PJ?" Tanong ni Liezel.
"Obviously, may mata ako eh." Sarcastic na sagot ni Wendy.
"Ah saan mo nakita?" Tanong pa ni Liezel.
Biglang ngumisi si Wendy. "Hmm. I saw him at hallway kissing a girl. Passionately." Sabi ni Wendy kaya napatingin ako kay Liezel.
Biglang nanggilid yung luha nya.
"Ah, ganun ba. Sige cr lang ako. " sabi nya at lumabas."What again, Wendy?" Tanong ko.
"Oh I forgot. Did I hurt you too?" Tanong nya.
"Slight. Alam ko namang hindi totoo." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With You [COMPLETE]
Teen FictionSome people are choosing to love someone secretly because they are afraid of this thing we called rejection. Rejection can really hurt a person. But how can you prove you love someone if you're afraid to tell and show it?