Isabelle

2.4K 80 1
                                    

ISABELLE'S POV

"Waaaaah" sigaw ko ng makita ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Anong oras na pala. May pasok pa ko.

Nagmamadali kong binitbit ang tuwalya at tumakbo sa banyo para maligo.

"Magandang umaga apo bat ba madaling madali ka. Magkape ka muna bago maligo at baka malamigan ang tiyan mo." bati sakin ni Lola Emilia

Si Lola na lang ang kasama ko ngayon. Bata pa lang ako ng mawala ang mga magulang ko.

Ang kwento ni Lola sa akin, limang taon pa lang ako ng aksidenteng mamatay ang papa ko dahil sa gumuhong gusali na ginagawa nito. Ng sumunod na taon ay ang mama ko naman ang nawala dahil sa hindi niya kinaya ang sama ng loob matapos mapawalang sala ang contractor ng gusaling ginagawa ni papa.

Dahil daw sa sobrang lungkot unti unting nagkasakit si mama at hindi nagtagal ay bumigay na ang katawan niya.

Simula nun. Si Lola Emilia na ang nagpalaki sa akin.

Sa edad ni Lola na 80 ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagtatrabaho. Nagtitinda siya ng mga meryenda sa harap ng inuupahan naming bahay.

Gusto ko na sanang patigilin si Lola sa paghahanap buhay. Sa edad na 18 ako ay kumakayod na rin. Pagkatapos ko ng high school nag apply ako bilang scholar sa isang pampublikong eskwelahan. At natanggap naman ako.

Kumukuha ako ng kursong Education at kasabay nito ay nag tatrabaho na rin ako. Kaya lang hindi sapat ang kinikita ko bilang gasoline girl. Kahit panay ang raket ko sadyang kapos pa rin.

"Magandang umaga Lola" bati ko sabay upo sa harap ng aming lamesa para magkape

"Linggo ngayon di ba? Wala ka namang pasok bakit nagmamadali ka?"tanong ni Lola

"Ay hindi po Lola. Sasama po kasi ako ngayon kay Carlo. May sideline po kami ngayon."

"Saan naman yan? Imbis na ipinapahinga mo na lang eh panay trabaho ka pa rin."

"Sa Quezon City Lola. Catering po." sagot ko "Lola kayo po ang magpahinga. Hindi na po kayo bumabata para po magsagad ng trabaho."

"Wag po akong intindihin apo. Ito na nga lang ang matutulong ko sayo eh." sagot ni Lola "isa pa eh hinahanap hanap ng mga estudyante ang bananaque ko."

Nakatira kasi kami sa harap ng isang maliit na private school.

"Lola, basta magpahinga. Baka sumpungin ka nanaman ng astma mo. Lalo na ngayon matatagalan ako umuwi dahil hihintayin pa namin matapos yung event na icacater namin." Sagot ko bago ko ubusin ang kape at tumayo para ayusin ang bag ko.

"Aalis na po ako Lola baka naghihintay na si Carlo." paalam ko

"Sige mag iingat ka apo. Ikamusta mo na lang ako kay Carlo." kumakaway na sagot naman ni Lola Emilia sa akin.

Nagmamadali akong sumakay ng jeep para puntahan si Carlo

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon