Forbes park makati

1K 66 3
                                    

Isabelle's POV

Isang tawag ang gumulantang ng nananahimik kong kaluluwa at katawang lupa ang bumulaga sakin pag gising ko mula sa mahabang oras ng pag pupuyat at pag tatrabaho.

Tawag na gumugulo sa isip ko.

Tawag na dahilan kung bakit napasugod ako sa lugar na to. Lugar na hindi ko akalaing ganito pala kalawak.

Bago ako nakapasok sa village na to kulang nalang kuhanan ako ng Nbi clearance ng mga gwardya sa entrance. Pero pinakita ko sa kanila yung calling card na ibinigay sakin. May tinawagan muna sila bago ako nakapasok.

Nagtanong muna ako sa guwardiya bago tuluyang pumasok sa village.

Napakalaki ng village na to. Hindi ko akalain. May restaurant, mall at kung ano ano pa sa loob. Napaka ganda, napakalawak.

Sobrang layo pa ng nilakad ko bago ko bago ko matunton yung nakalagay sa address. Halos isang tabo na ng pawis ang lumabas sakin at nagrereklamo na yung tiyan ko.

El niño ang inabot ng lalamunan ko sa sobrang uhaw.

Umupo muna ko sa harap ng dambuhalang gate ng mansyon para magpahinga sandali. Nagbukas ako ng biscuit na dala ko at uminom ng tubig.

Habang kumakain tinitigan ko yung mansyon mga bes. At grabe na amaze ako sa ganda nito. Isa itong napakalaking modern style na mansyon. Black and White ang theme at kulay. Sobrang ganda. Parang halos kasing laki na to ng Mall. May malawak na garden, picnic table at malaking swimming pool.

Pagkatapos kong kumain. Bigla na lang bumalik yung kaba ko. Dahil alam kong kailangan ko ng pumasok para makipag usap sa kanila.

Seryoso ba talaga to?
Nangyayari ba talaga to ngayon?
Bakit kailangang ganito?
Bakit umabot sa ganito?

Dahil lang sa napaka babaw na dahilan nandito ako ngayon.

Ano kayang sasabihin ko?
Anong isasagot ko?
Magagalit ba ko?

Sobrang daming tanong ang gumugulo sa isip ko. Hindi ko na talaga alam kung bakit ganito.

Huminga muna ko ng malalim bago nag doorbell. Isang guwardiya ang nag tanong sakin.

"Anong kailangan mo Miss?"

"Ah kuya. Pinapunta po kasi ako dito ni Mr. Kylle Mattew. Dito po ba talaga yon?"

"Dito nga anong pangalan mo?" tanong ng guwardiya

"Isabelle Hernandez po." sagot ko

Tumingin muna sa log book yung guwardiya bago sumagot sakin. "Sige pasok."

Dumiretso ako sa direksyon na tinuro sakin ng guwardiya. Nasa harap na ko ng main door. Mag dodoor bell sana ko pero biglang bumukas yung pinto.

Isang medyo may edad na babae ang bumungad sa akin.

"Tuloy ka ne." nakangiting sabi niya sa akin.

"Salamat po."

"Maupo ka muna dyan tatawagin ko lang si Kylle."

"Sige po salamat po ulit." Sagot ko

Umalis ang matandang babae at naiwan ako mag isa sa living room nila.

At muli, namangha ako sa ganda at laki ng mansyon.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon