CALOY'S POV
Dahil sa nabalitaan kong nakalipat na pala sila Isay. Nagpasya akong bisitahin siya at si Lola
Nakita ko nga na nasa ayos na ang lahat para sa kanila. At masaya ako dahil dun.
Nag punta kami sa pool ng condo na tinutuluyan ngayon nila Isay dahil gusto niyang mag lakad lakad.
Napansin kong parang ang tahimik niya ngayon.
"Isay BIG TIME na talaga kayo ngayon ha."
"Kahit ako nabigla" sagot ni Isay
Parang may kakaiba talaga sa kanya"Okay ka lang?" nag aalangan kong tanong sa kanya
"Okay lang."
Alam kong hindi Isay
"Nag away kayo?"
"Ha? Hindi."
"Eh anong problema mo?" pangungulit ko
"Wala naman."
"Sus. Kilala kita." sabi ko
Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa malayo"Namimiss mo na no?" tanong ko
Dahan dahan siya lumingon sakin ng makita kong nangingilid na ang mga luha niya."Oo Caloy. Sobra! Sobraaa!" at nagsimula na nga siyang umiyak
"Iyakin ka talaga. Tara na nga bumalik na tayo dun."
Hinatid ko siya sa condo unit nila at nagpaalam ako sa kanya na kailangan ko ng umalis.
Habang pababa ng condo ay sinubukan kong tawagan si Kylle. Pero hindi nag riring ang phone niya.
Naisip kong tawagan si Luke
"Yow!" sagot ni Luke
"Nasan ka?" tanong ko
"Sa unit ko."
"Nasa baba ako ng unit nila isay. Punta ka rito."
"Bakit may problema ba?"
"Pag dating mo na lang dito."
"Sige 10minutes."
Sa parking lot ako naghintay kay Luke at wala pa namang 10 minutes ng dumating siya
"Busy ka bro?" tanong ko
"Hindi naman bakit? Ano bang nangyari?"
"Samahan mo ko."
"Saan?"
"Sa makati."
"Anong gagawin natin dun?" tanong ni Luke
"Hahanapin natin si Kylle." sagot ko
Agad din namang pumayag si Luke at sumakay na nga kami sa sasakyan niya
"Wag mo munang sabihin kay Isay. Baka kasi hindi natin makita si Kylle ma disappoint lang siya." sabi ko habang nasa biyahe kami
"Sige. Pero may tanong ako."
"Ano?"
"Mahal mo??"
"Si isay?"
"Dude ofcourse! Alangan naman si Kylle."
"Patawa ka talaga." natatawang sabi ko
"Ano nga? Mahal mo?" pangungulit ni Luke. Isang mapait na ngiti lang ang nasagot ko sa kanya
"Ouch!" napapailing na sabi ni Luke
Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal ang pinsan mo.
Kung alam mo lang kung anong kaya kong gawin mapasaya ko lang siya.
Kung alam mo lang.
tanging nasabi ko sa isip ko."Ouch ka dyan."
"Mahirap yan bro." sagot ni Luke
"Alam ko."
"Iba talaga karisma ng lahi ko." pabirong sabi niya
"Iba talaga siya." sagot ko
BINABASA MO ANG
Maid For Each Other (Mayward inspired story)
Teen FictionPasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.