GOODBYE?

814 55 5
                                    

Hindi pa ko bumabangon sa kama ko ng mag ring ang cellphone ko.

Tulala kong sinagot ito.

"Hello Isabelle. Ready ka na ba?" si Bea

"Hello Isabelle. Nandiyan ka ba? Kailangan mo ng magpunta. Hello"

"Pupunta ko." malungkot na sagot ko kay Bea

Nag ayos agad ako at pagbaba ko ng condo ay nakita kong nag hihintay sa akin si Caloy at Luke.

Malamang ay tinawagan na rin sila ni Bea.

Tahimik lang kami habang nasa sasakyan. At pag dating sa ospital ay naabutan ko si Bea na nagbabantay kay Kylle.

Agad na tumulo ang mga luha ko at patakbo akong lumapit kay Kylle.

"KYLLEEE! Please tumayo ka na diyan. Wag mo namang gawin sakin to. Wag mo naman akong iwan. Please gumising ka na diyan" pakiusap ko

Tuloy tuloy at hindi ko mapigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.

"KYLLE! Gumising ka na. Akala ko ba nandito ka lang lagi para sakin? Bakit aalis ka? Bakit iiwan mo ko?"

Tumalikod si Bea at nakita kong nagpupunas siya ng luha. Ganun din si Caloy at Luke.

"Sana nagmahal ka na lang ng iba. Sana iniwan mo ko sa ibang paraan. Sana hindi ganito. Wag naman ganito Kylle. Gumising ka na." muling pakiusap ko pero bigo pa rin ako dahil wala pa rin akong nakuhang senyales mula kay kylle

Tuloy pa rin ang pakiusap ko kay kylle habang salitan ko siyang niyayakap at hinihimas ang sa pisngi.

Napuno ng hikbi at lungkot ang kwartong kinahihigaan ni Kylle.

Bigla namang bumukas ang pinto at nagulat kami ng pumasok si Sidney.

"Sidney please kahit sandali lang." pakiusap ni Luke

"Hindi ako pumasok dito para paalisin kayo. Nandito ko para sabihin sa inyo na mga limang minuto na lang ay nandito na ang mommy ni Kylle."

Walang nakapag salita sa amin dahil nagulat din kami sa inasta ni Sidney

"Susubukan ko pang patagalin siya sa labas pero hindi ko masisiguro sa inyong mahabang oras yun." si Sidney

"Salamat." sagot ko

Muli akong humarap kay Kylle.

"Kylle. Miss na miss kita at sa paglayo mo mas lalo pa kitang mamimiss. Mahal na mahal kita. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

"Hindi ako sigurado kung naririnig mo ba ko ngayon. Pero Kylle. Hindi ako mapapagod. Maghihintay ako. Hihintayin kita."

Isang halik sa labi ang iniwan ko kay Kylle. Halik na panghahawakan ko. Halik na para sayo lang mahal ko.

Lumuluha kong iniwan si Kylle.
Hirap na hirap humakbang ang mga paa ko.

Umaasa pa rin akong tatawagin niya ang pangalan ko para pigilan ang pag alis ko.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon