Author:
Dahil medyo na eexcite na din ako sa nangyayari. Haha eto mag quick update tayo. Tiis tiis lang po sa paghihintay. Thank you! ❤Wag kalimutan mag follow, vote and comment.
Get in touch with me through facebook. BERNADETTE GANZON SANTIAGO. Game na ulit para sa mga nag aabang dyan. 😊
Follow niyo din po ako dito sa wattpad para updated po kayo sa ibang ko pang isusulat.
____________________________
Isabelle's POVTahimik akong nakaupo sa sala ng napakalaking mansyon habang tumitingin tingin sa mga dekorasyon nito.
Maganda. Mukhang pinag isipan at mukhang pinagkagastusan talaga.
Nasa ganitong pag iisip ako ng bigla na lang may nagsalita mula sa likod ko
"So youre finally here miss hernandez"
"Ay kabayo!" gulat na sigaw ko
Napatayo ako bigla at lumingon sa likod ko"Excuse me??" nakasimangot na tugon nito
"Ay Sir Kylle. hi-hindi po ikaw. Ah eh. Nagulat lang po ako. Expression po kumbaga." paliwanag ko
"Do you know what time is it? O baka naman wala kayong orasan sa bahay niyo." masungit na tanong niya
Wow ha. Grabeee. Attitude bes! Iba pala to. Ibang level. Ang taas!
Arogante
Mayabang
Feeling pogi. Although pogi naman talaga siya pero kahit na. Kung anong kinaganda ng kutis at kinagwapo ng mukha yun naman kinasama ng ugali.Tumingin ako sa matandang babae na nasa likod niya. Gusto kong sumigaw ng saklolo. Gusto kong tumakbo. Magtago o kahit ano malayo lang sa lalaking to.
"Kylle ikukuha ko muna kayo ng maiinom anong gusto mo. Juice? Coffee?" sabi ng matanda
Gusto ko siyang lapitan para hawakan at sabihin wag akong iwan sa lalaking to.
"Yes please Yaya Linda. Coffee. Sounds great." sagot ni Kylle pero hindi ito lumingon sa matanda na yaya pala niya
"So. Mabalik nga tayo. Pati ba pag sagot mo sa tanong ko late na rin?" Muling pagsusungit nito
"Sir. Diretsuhin niyo na po ako. Ano po bang kailangan kong gawin para lang matapos na to." matapang na tanong ko
"Tinatanong mo ko kung anong kailangan mong gawin? Are you sure about that Miss Hernandez?" tila nanghahamong tanong nito
"Eh kasi naman Sir. Nag sorry naman ako sa nangyari. Hindi ko talaga sinasadya."
"Oh common!" sagot nito at pumalakpak pa na parang nakakaloko
"Hindi ko talaga sinasadya kaya nga ako humihingi ng pasensya. Tsaka bakit ko naman sasadyain yun. Nag sorry ako. Maraming maraming beses pa. Ano pa bang gusto mo?" napipikon kong tanong
"Do you really think that sorry is enough?" tanong niyang pabalik sakin.
Mas lalo akong naguluhan.
Napaka simpleng bagay lang naman nun."Ano pa bang gusto mo Sir? Lumuhod ako? Magpa public apology ako? Sige gagawin ko."
"Are you kidding me? Sa palagay mo makakabuti sakin yon?"
"Natapunan ka lang naman ng sauce ha. Malaking bagay ba yun? Para kumuha ka pa ng abugado at sampahan ako ng kaso?"
"You ruined my clothes."
"Yun lang pala eh. Kung gusto mo lalabhan ko yung damit mo. Isosoli ko sayong walang bahid ng kahit ano mang mantsa. O kaya babayaran ko nalang."
"Fine. Bayaran mo lahat lahat."
"Magkano ba?"
"Approximately two hundred thousand pesos."
"Two hundred? Two hundred thousand pesos?" Nanlalaki ang matang tanong ko. Halos malaglag yung panga ko sa pag nganga sa tindi ng gulat ko
"Yup!" sagot niya sabay upo sa sofa ng naka de kwatro
"Niloloko mo ba ko? Two hundred thousand pesos para lang sa damit na sinuot mo nung presscon?" gulat na gulat kong tanong sa kanya
Hindi ako makapaniwala
Mayaman na to peperahan pa ko mukha ba kong may ganun kalaking pera?"Nope. Pero ang sabi mo babayaran mo lahat lahat diba?"
"Oo lahat ng suot mo nung natapunan kita."
"Kung sa suot ko that day dont worry it just cost you about 10 thousand pesos lang naman."
"Eh bakit sinisingil mo ko ng dalawang daang libo kung sampung libo lang pala yun!"
"Well, napakaraming media lang naman sa presscon na yun ang binayaran ko para hindi na lumabas sa news yung nagyari." Nakahalukipkip pa ang dalawa niyang kamay
"Eh ano naman kung lumabas sa news. Bakit ka nagbayad? Eh ikaw naman nag beastmode nung time na yun at hindi ako. Kaya kung lumabas man sa news o social media yun ako ang mapapahiya at hindi ikaw." inis at gulat na sagot ko
"Hindi lang yon! Dahil late ka, hindi ako nakaalis ng tamang oras para umabot sa flight ko so lahat ng ginastos ko sa naudlot kong bakasyon ay babayaran mo."
"Aba aba naman! Sobra ka na. Alam mong wala akong ganong kalaking pera"
"That's the point miss Hernandez. But can you just zip your mouth and listen to me carefully. May iooffer akong aggreement sayo. Lets say a business proposal."
"Anong business proposal naman yan?" iritableng tanong ko
"Be my maid or ill sue you." confident level 101 na sagot ni Kylle
"Maid? Ako? Maid mo?"
"You heard that right Miss Hernandez."
Ako magiging maid?
Ng isang napaka aroganteng artistang gaya nito? NO WAY!"Sa palagay ko sa ganong paraan mo lang ako mababayaran"
"Hindi! Hindi ako papayag. Ganiyan ka ba talaga? Anong tingin mo saming mga nasa mababang level ng pamumuhay? Laruan?" Pagalit na sabi ko
"Okay madali naman akong kausap. Maybe ill just agree with my consultant's advice and take legal action against you. See you in the court Miss Hernandez."
BINABASA MO ANG
Maid For Each Other (Mayward inspired story)
Teen FictionPasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.