Nagpunta kami sa tapat ng ICU kung saan inoobserbahan pa daw si Kylle.
Maya maya ay may lumabas na isang doctor ngunit nagmamadali pa rin ito
"Doc si Kylle?" natatarantang tanong ko
"Unconscious siya. Severe head injury and nakuha niya kaya ikinalulungkot kong sabihin pero under coma ang pasyente."
Para akong pinag sakluban ng langit at lupa.
Hindi ko matanggap yung mga narinig ko sa doctor."Isabelle. Mabuti pa umuwi na muna kayo. Hindi ka pwedeng makita ng mommy ni Kylle. Tatawag ako sa inyo bukas."
Inalalayan ako ni Caloy at Luke.
Pinili namin na sa unit muna ni Luke tumuloy dahil ayaw naming makita ako ni Lola sa ganitong kalagayan dahil hindi yun makakabuti sa kanya.
Kylle
Gumising ka!
Gumising ka!"Isay. Tumahan ka na oh." awang awa nasabi ni Caloy
"Caloy mas gugustuhin ko pang mawala sakin si Kylle dahil may mahal na siyang iba eh. Mas matatanggap ko pa yun eh."
"Ssshhh. Isay wag ka namang mag isip ng ganyan" sagot ni Caloy
"Isay. Kailangan mo maging malakas para kay Kylle." sagot naman ni Luke
_____________________________
Ilang araw ang lumipas pero hindi ako nagtagumpay na madalaw manlang si Kylle.
Bantay sarado siya sa ospital at tanging si bea lang ang nagbabalita sa amin.
Hanggang sa ilang linggo na ang nakalipas pero comatose pa rin si Kylle.
Walang araw o oras na hindi ko naalala si Kylle. Hindi siya naaalis sa isip ko kahit hirap na hirap na ko
"I dont have all the answers to life's problems but i can listen to you when youre in pain. Let it all out."
"I dont have all the answers to life's problems but i can listen to you when youre in pain. Let it all out."
"I dont have all the answers to life's problems but i can listen to you when youre in pain. Let it all out."
Paulit ulit kong naaalala ang mga salitang yan ni Kylle na mas lalong nagiging dahilan ng pagkaulila ko sa kanya.
KYLLE. MISS NA MISS NA KITAAA!
MAHAL NA MAHAL KITA.
BINABASA MO ANG
Maid For Each Other (Mayward inspired story)
Teen FictionPasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.