3rd day (vacation)

951 74 9
                                    

Note:
Guysss. Remind ko lang. Make sure po na naka follow kayo dito sakin. Kasi gagawa pa po tayo ng marami pang Mayward stories. Kaya para updated po kayo pa follow please. Thanks.

So ayun na nga po! Tuloy na naten. 😅

❤❤❤❤❤❤

Isabelle's POV

Maaga kong gumising dahil kailangan ko pang gisingin yung napakabait kong amo.

Pero nagulat ako dahil pag labas ko ng pinto ay nandun na pala siya sa harap.

Nakasandal sa pader at nakasimangot. Hanggang sa may inabot siya sakin.

"Wear this." sabi niya sabay abot sakin ng dalawang paper bag

"Ano to?" tanong ko

"No more questions. Just wear it!" naiiritang sagot nito

Abaaa. Suplado nanaman ang loko. Kahapon lang tatahitahimik na to. Ngayon parang babaeng may regla nanaman. Siguro may sakit talaga sa utak tong taong to eh.

Kinuha ko yung paper bag at pumasok ulit sa room. Pag bukas ko ng paper bag. 2piece bathing suit ang laman na pa skirt ang style.

Pinag isipan kong mabuti kung isusuot ko ba yun dahil medyo daring ang dating pero hindi naman kasing o.a na kagaya ng iba.

Maya maya narinig ko yung malakas na kayo ni kylle.

"Hey!! Crazy girl. What's taking you so long?" sigaw ni kylle mula sa labas.

Sumilip ako sa pinto at iniabot sa kanya yung paper bag.

"Hindi ako nagsusuot ng ganito." sabi ko

"Okay. The dont wear it. Kawawa naman si ateng housekeeper na pinabili ko niyan."

"Kinokonsensya mo ba ko?"

"Hindi naman. Its up to you. Kaya nga wag mo na isuot kung ayaw mo eh. Bahala ka. Ikaw lang naka shirt and shorts dun."

Abaaaa. Tignan mo talaga ugali ng mokong na to eh. Akala ko pa naman regalo yun pala nahihiya lang na may kasamang ganun ang suot.

Wala na kong nagawa kundi isuot yung bathing suit. Kawawa naman si ateng inutusan. Alam ko pa naman yung feeling ng isang hamak na utusan lang (hugot).

Minsan lang naman to eh. Kaya why not diba Isay? Tsaka lahat naman talaga naka bathing suit dito my point si yabang.

Pagkatapos magbihis. Nag aalangan akong lumabas ng pinto. Tinalian ko muna ng mataas ang buhok ko bago tuluyan lumabas.

___________
Kylle's POV
Ang tagal naman ng babaeng tong. 1st time yata nakapagkita ng swim suit.

Then suddenly, the door slowly open and there she is.. wearing the swim suit.

I dont know whats wrong with me but i feel like my body cant move and i cant even control my eyes. It goes straight and steady to the girl in front of me.

She's very different. simple and yet so beautiful. There's something into her that even i, cant explain. I dont understand.

"Hoooy! Hello!!!" inis na sabi Isabelle.

"Panget siguro no? Eh ikaw naman kasi. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito. Tapos ano? Sisingilin mo nanaman ako? Anooo?"

"Hooy. Sumagot ka kaya. Helloooo."

I ended up dumbfounded. Tulala pa rin pala ako.

"Anooo? Panget ba?"

"Hindi bagay sayo pero pwede na yan." yeah. i lied.

"Tignan mo to. Hindi pala bagay pinasuot suot mo. Kala mo naman sanay ako magsuot nito."

"Then bakit mo sinuot?"

"Ang aga aga kasi eh. Ayoko makipag talo sayo. Osige na magpapalit na ko ulit."

"Hindi na. We dont have much time."

"Eh hindi nga bagay diba?"

"Yup. Lets go!"

Naglakad na ko, pag lingon ko sa kanya. Ang haba nanaman ng nguso. Nakasimangot habang nalalakad kasunod ako.

We're walking along the beach to find the boat scheduled for us when she poke my shoulder.

Tinignan ko siya?

"Why?"

"Umakyat muna kaya tayo ulit? Pleaseee bossing."

"Bakit?"

"Nakatingin kasi sila sakin oh." she's turning red

"So?"

"Baka napapangitan?"

"For sure!"

"Ggggggrrrr"

They can stare coz we're on the beach right now. They can stare but they cant touch. I swear!!

"Here comes our boat. Ready?" tanong ko

"Pag sinabi ko bang hindi aatras ba tayo? Eh napasakay mo nga ako ng eroplano."

"Good."

"Hanggang sa isla talaga kailangan mo ng katulong?"

"Yeah!"

"Bakit aberr???" naiinis na tanong niya

"Dahil gusto ko."

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon