THE BESTFRIEND

901 62 8
                                    

HI GUYS.
HAPPY 600 FOLLOWERS ❤
SPECIAL UPDATE FOR EVERYONE. ❤

VOTE COMMENT FOLLOW
❤❤❤❤❤❤❤

Isabelle's POV

"Isay. Magpahinga ka muna. Ako munang bahala kay Lola." si Caloy

"Ayos lang ako Caloy."

"Ilang araw ka ng puyat ha. Baka ikaw naman magkasakit niyan pano na si lola"

Napaisip ko. Kung sabagay. Tama si Caloy.

"Sige Caloy. Mabuti pa nga siguro iidlip muna ko."

"Akong bahala kay Lola."

"Gisingin mo na lang ako pag nagising si lola. O kaya pag dumating yung mga doctor."

"Walang problema. Pahinga kana." si Caloy sabay himas sa ulo ko

Sa sobrang pagod at antok. 5minutes pa lang akong naka pikit ay nakatulog na agad ako.

_____________________
Caloy's POV

Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para lang mapagaan ang loob ni Isabelle.

Ilang araw na siyang umiiyak. Puyat at pagod.

Si Lola Emilia na lang ang meron siya kaya hindi ko maiaalis sa kanya na mag alala siya ng sobra pero nag aalala na rin ako para sa kanya.

Lakasan mo ang loob mo Isay.

Sa wakas nakatulog na siya.
Dahan dahan kong hinimas ang ulo niya at hinawi ang buhok niya na tumatakip sa mukha niya.

Magpahinga ka lang diyan Isay.
Nandito lang ako. LAGI.

Tinititigan ko ang mukha niya na puno ng pag aalala ng may marinig akong mahinang katok mula sa pinto.

Tumayo ako para tignan kung sino ang kumakatok. Laking gulat ko ng bumungad sakin si Kylle.

KYLLE MATTEW
Ang lalaking ilang araw na ring laman ng isip ni Isay.

Simula ng bumalik si Isay galing sa Siargao. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Isay.

"Hi. Can i talk to Isabelle please?" tanong ni Kylle

Lumabas ako ng kwarto at sinara ang pinto.

"Bakit?"

"Im Kylle. And you are?"

"Carlo."

"Can i see her please?"

"Bakit pa? Hindi pa ba sapat yung mga ginawa mo?"

"I know. I treated her bad at hindi lang ako. Pero kasalanan ko lahat. Please let me talk to her." sagot ni Kylle

"Kylle. Simula nung magkasama kayo ni Isabelle sa bakasyon mo nawala na yung sigla niya."

"I know thats why im here. Please let me talk to her."

"Siguro naman nabalitaan mo na yung nangyari sa Lola niya kaya kayo nandito ngayon."

"Oo. But i really wanna see her and her Lola ofcourse."

"Kylle. Ako naman ang may hihilingin sa inyo. Ilang araw ng pagod at puyat si Isabelle. Ngayon lang siya nakakuha ng pahinga."

"I just want to talk to her. Atleast for a minute."

"Bumalik ka na lang. Hayaan muna natin siyang magpahinga."

"Please."

"Kylle tama si carlo. Hayaan muna natin magpahinga si Isabelle." singit naman ng kasama ni Kylle.

"Fine. But please tell her. Na nagpunta ako."

"Sige walang problema." sagot ko

"Babalik ako bukas."

"Sure." sagot ko habang naka ngiti sa kanya. Tumalikod sila at naglakad paalis.

Napasandal ako sa pader.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Natutuwa ako dahil alam kong matutuwa si Isabelle. Pero natatakot din ako.

Takot na baka isang araw. Mawala na si Isabelle. Mawalan na ko ng pagkakataon na masabi sa kanya ang totoo.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Gulong gulo ako.

Pumasok ako sa loob ng kwarto para ituloy ang pagbabantay ko.

Mag aalas singko ng umaga ng magising si Isay.

"Caloy. Hindi ka natulog?"

"Hindi. Sabi ko naman sayo diba akong bahala."

"Okay na ko. Ikaw naman ang matulog."

"Isay."

"Bakit?" tanong niya sakin habang nagkukuskos ng mata

"May itatanong ako." sabi ako, lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya

"Ano yun?"

"Tungkol kay Kylle."

"Anong meron kay Kylle?" tanong ni Isay

"Gusto ko lang sana malaman, kung sakali. Gusto mo bang magkita kayo ulit?"

"Ano ba namang klaseng tanong yan Caloy?" tatawa tawang sagot ni Isay. Pero kitang kita ko na pilit na pilit lang ang tawa niya

"Yung totoo." sagot ko

Tumahimik si Isay at nag isip. Yumuko siya at nakita kong may pumatak na luha sa mga mata niya

Sobrang kirot ng dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Sige na nga wag mo ng sagutin. Kuha lang ako kape ha." patay malisya kong sabi kay Isay

Paglabas ko ng kwarto muli akong napasandal sa pader at napahawak sa ulo ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Bumaba ako para kumuha ng kape at pagbalik ko. Nakita ko si Isay na nakaupo sa tabi ni Lola. Hawak hawak niya ang mga kamay nito habang umiiyak.

"Isay." tawag ko

Binaba ko ang dalawang kape na dala ko at lumapit ako sa kanya

"Isay wag kang umiyak. Pag nagising si Lola makikita ka niya sige ka." pag amo ko

"Caloy. Kung gising lang sana si Lola baka nabawasan lahat ng sakit na nararamdaman ko."

"Nandito ako. Best friend mo ko diba." sabay tapik ko sa balikat niya "tama na iyak."

"Caloy natatakot ako. Pano pag iniwan na ko ni Lola. Pano pag...."

"Ssshhhh. Ano ka ba. Hindi mangyayari yan."

"Caloy."

"Oh ano?" Tanong ko habang pinupunasan ko ang mga mata niya

"Yung tinatanong mo kanina."

Biglang lumakas ang kaba ng dibdib ko.

"Oh ano?"

"Gustong gusto ko siyang makita. Gustong gusto kong makita si Kylle." sagot ni Isay habang patuloy na umiiyak

Mas lumapit ako sa kanya.
Niyakap ko siya at hinimas ang likod niya

"Wag kang mag alala Isay. Makikita mo na siya." mahinang bulong habang unti unting tumutulo ang mga luha sa mga mata ko

Pasimple ko tong pinunasan at humarap ako kay Isay.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nagsalita

"Huwag ka ng umiyak. Pangako. Kahit ano pang mangyare nandito lang ako. Okay? Nandito ako."

"Salamat Caloy."

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon