Jealous?

990 66 9
                                    

THANKS SA MGA NAG VOTE LALO NA SA MGA NAG COMMENT! ❤❤❤

JEALOUSY?

Pag dating ko sa kwarto. Naisipan kong tawagan si Carlo. At dahil alam kong pang gabi siya, alam kong gising pa siya at papasok na sa trabaho

"Hello Isay" bati sakin ni Caloy mula sa kabilang linya

"Hello Caloy buti naman sumagot ka."

"Oo eto nga kakadating ko lang sa trabaho." si Caloy

"Ang lola kamusta?" na eexcite na tanong

"Kala ko naman na miss mo ko kaya ka tumawag." parang batang nag tatampo

"Miss din naman kita ano ka ba?" sagot ko ng bigla na lang may kumatok sa pinto pero mula na ito sa loob.

Si Kylle pala. Nasa loob ng hotel room ko. Dahil sa gulat ko, pinatay ko yung phone ko.

"Oh ikaw pala. Nagulat ako grabe. Sa susunod naman matuto kang kumatok"

"Kumatok ako. Stupid. Sa susunod matuto ka din mag lock."

"Kumatok ka nga SIR pero nasa loob ka na. Ano nanaman bang kailangan mo?"

"Wala. Nakalimutan ko na. Agahan mo na lang bukas."

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
KYLLE'S POV

"Miss din naman kita ano ka ba?"
ang narinig kong sagot ni Isabelle sa kausap niya sa phone.

Pinuntahan ko siya para sabihin sana sa kanya na maghanda siya dahil ang schedule namin bukas is Island Hopping pero mukha namang makakaistorbo lang ako kaya hindi ko na lang sinabi.

"Miss din naman kita ano ka ba?"
"Miss din naman kita ano ka ba?"
"Miss din naman kita ano ka ba?"

Paulit ulit kong naririnig yung mga salitang yun kahit hindi naman dapat. Hirap na hirap tuloy akong makatulog.

Habang nasa beach ako kanina. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Tahimik. Malaya. Nakaka relax. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin lahat ng problema. Naka ilang beer na ko pero hindi pa rin pala enough.

I wish i could stay here forever. Im tired. Tired of everything. I wish i could stop the time and live in this moment forever.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Isabelle's POV
Nakaalis na si Kylle at bumalik na sa kwarto niya. At gaya ng sabi niya nag lock na rin ako ng pinto.

Naisip ko kung narinig kaya ni Kylle yung pag uusap namin ni Caloy.

Pero tekaaaa. Ano naman diba? Wala namang masama. Totoo namang namimiss ko si Caloy. Wala namang malisya yun. Mag best friend kami.

Tsaka bakit? Alam ba ni Kylle na lalaki yung kausap ko? Pwede namang mag i miss you sa babae diba?

Tsaka teka teka. Hindi naman kami ni Kylle. Ano naman kung marinig niya diba? Wala namang masama dun.

Pero teka! Bakit kailangan ko pang isipin to? Bakit? Anong meron teh?

Kaya nag pasya na lang akong mahiga na at tawagan ulit si Caloy para tuluyang makamusta si Lola.

Binalita sakin ni Caloy na nagpunta siya dun at tinulungan magsara ng tindahan si Lola. Hinintay niya munang maiayos lahat bago siya umalis. Kaya naman napanatag ako. Maayos na kong makakatulog nito.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon