Nag kwentuhan kami ni Luke habang naghihintay kay Lola.
Luke Andrada pala siya. Gamit niya ang Family name ng Lola Emilia dahil naging Hernandez lang din naman ito ng maikasal sa Lolo.
Isa lang din pala ang naging anak ni Lolo Emilio at yun ang Papa ni Luke. Si tito Luis na nagtatrabaho ngayon bilang business man katulong ang napangasawa nito.
Nag iisang anak lang din si Luke. Kahit mukhang napaka bata pa ni Luke ay mas matanda pala siya sakin ng dalawang taon.
Masayahin daw siya kaya baby face. Natatawang sabi niya sakin kaya wag ko na raw siyang tawagin na kuya.
Naikwento na sakin ni Lola na noong bata pa siya ay taga Cebu sila at napunta siya dito sa Maynila nung mapangasawa niya ang Lolo.
Sa bulacan na siya nakapag asawa at bumuo ng pamilya. Ngunit hindi pa pala sapat lahat ng nalalaman ko.
Hindi na ikwento sa akin ng Lola na may kapatid siya. Ang sabi naman sakin ni Luke. Baka raw hindi nag kekwento ang Lola dahil ayaw niyang maalala at ma miss ang pamilyang naiwan niya.
Sa pagpapatuloy ni Luke sa pagkekwento niya. Nalaman kong galing pala ang Lola sa mayamang pamilya at itinakwil ng malamang umiibig sa pobreng napangasawa nito.
Sinubukan pa raw noon na pigilan ni Lolo Emilio ang kapatid na umalis ngunit sa labis na pagmamahal nito kay Lolo ay sumama pa rin ito sa kabila ng yaman na tatalikuran niya.
"Alam mo Luke. Mukhang hindi naman nagsisisi si Lola sa pagpili kay Lolo kasi hanggang ngayon masaya pa rin siya pag nag kekwento ng love story nila."
"Yun din ang sabi ni Lolo Emilio. Dahil sa lalaki ang Lolo Emilio mas nauna daw itong ipinakasal ng mga magulang nila sa babaeng hindi talaga niya gusto."
Medyo nalungkot ako sa aking narinig
"Kaya alam mo ba Isabelle, hangang hanga ang Lolo sa tapang at lakas ng loob ni Lola Emilia na piliin ang tunay na mahal niya nung panahong siya na ang ipapakasal sa iba." pagpapatuloy ni Luke
"Iba pala talaga ang power of love no?" Sabi ko. Nakangiting tumango si Luke
"Excited na akong magkita sila ni Lolo" sagot naman ni Luke
"Nasaan nga pala ang Lolo?" tanong ko
"Nasa Cebu pa rin siya."
"Kamusta siya?" tanong ko
"Okay na okay. Malakas pa siya at masigla."
"Mabuti naman."
"Mamaya tatawagan ko siya para ibalita na nahanap ko na si Lola Emilia."
"Caloy salamat hindi ka sumuko sa paghahanap kay Lola."
"Maliit na bagay yun sa pagmamahal at pagpapalaki sakin ni Lolo." nakangiting sagot niya
Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto
Pumasok ang mga nurse tulak tulak ang natutulog na si Lola Emilia. Mula sa stretcher inilipat nila si Lola sa kanyang hospital bed.
Bago lumabas ang mga nurse. Sumenyas sila sa amin na wag kaming maingay. Tumango naman kami ni Luke.
Paglabas ng mga nurse. Nagkatinginan kami ni Luke at ngumiti sa isa't isa. Sensyales na masaya kaming dalawa na muling makita si Lola.
Hindi kami masyadong lumapit dahil ayaw naming ma istorbo ang pagpapahinga niya.
"Isay." pabulong na tawag sakin ni Luke at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Nakaupo na kasi ulit siya
Aba at nakiki Isay na to.
Natatawang nasabi ko sa isip ko.Lumapit ako sa kanya at nagtanong kung bakit. Binuksan niya ang bag niya at naglabas ng isang maliit na kahon.
"Ibigay mo to kay Lola pag nagising siya." sagot niya sabay abot sa akin ng maliit na kahon.
Gintong locket ang laman nito. Lumang style ng kwintas pero sobrang ganda.
Pag bukas ko ng locket. Picture ni Lola ang laman.
"Kay Lola Emilia daw yan. Tinago ni Lolo kasi alam niyang magkikita pa sila."
Nangilid ang luha ko. Sobra sobra akong naging emosyonal para kay Lola Emilia.
Lola. Mag palakas ka na kaagad.
Sigurado akong matutuwa ka sa mga malalaman mo. Magkikita na kayo ng kapatid mo Lola."Huyyy. Ano ka ba. Wag ka ng umiyak dyan. Baka magising ang Lola." pabulong na sabi ni Luke sabay kuskos sa ulo ko na para akong bata
"Wag ka ng umiyak may gift din ako sayo." sabi niya sabay turo sa napakalaking paper bag na malapit sa pinto.
Ngayon ko lang ito napansin. Tumayo siya para kunin to at laking gulat ko ng buksan ko ito.
Bagong cellphone
Laptop na kumpleto ng accesories
Bag
Tatlong dress
Dalawang pares ng sapatos
At Relo"Ano tooo?" Gulat na tanong ko
"Gift ko sayo. Nagustuhan mo?" tanong ng pinsan ko. Tumango ako
"Sobra sobra to."
"Kulang pa yan." nakangiting sagot niya
"Thank you."
"Masaya kong makita kayo. Hindi man ako nagkaroon ng kapatid. Ngayon meron na." nakangiting sabi ni Luke at nag High five ulit kami
"Thank you" speechless ako kaya naman nagpa salamat lang ako ulit
Masaya kong makilala si Luke. Napaka cool niya. Masayahin at magaan kausap. Kaya pala komportable agad kami sa isat isa nung una palang kaming magkita.
Masaya rin akong malaman ang iba pang kwento ng buhay ni Lola at excited na akong magkita sila ni Lolo Emilio.
BINABASA MO ANG
Maid For Each Other (Mayward inspired story)
Teen FictionPasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.