Accident

781 54 9
                                    

Vote/follow/comment

______________________________
CARLO'S POV

Tinawagan ko si Luke.

"Hello bro."

"Oh hello"

"Negative. Nakaalis na daw si Kylle"sabi ko

"Seryoso?" Tanong ni Luke

"Oo."

"Hindi pa ko nakakaalis dito. Sobrang traffic pa rin. GRABE"

"Sige pabalik na ko dyan." sagot ko kay Luke.

"Grabeee."

"Kawawa naman."

"Bukas nasa balita na yan"

"Ang bata bata pa nun diba?"

Pagkatapat ko sa harap ng aksidente. sunod sunod ang mga bulong na narinig ko galing sa mga nakikiusisa.

"Kawawa naman si Kylle." isa pang bulong na narinig ko.

Tekaaa.
KYLLE??
Hindi kayaaa????

"Excuse me. Makikiraan. Excuse me." pilit akong sumingit sa mga nakikiusisa para masigurado kung tama ba ang iniisip ko

At laking gulat ko ng makita ko si kylle habang sinasakay sa ambulansya.

"Teka. Sandali lang. Kylle. Kylle." tawag ko pero hindi ako narinig ng mga taong tumutulong kay Kylle

Sobra kasi ang dami ng mga taong nakikiusi. Halos lahat gustong kumuha ng picture at makita si Kylle dahil sa sikat nga ito.

_____________________________
KYLLE'S POV

Pupuntahan kita.
Wait for me my love.
I will fight for you!
I want you. Only you!

Alam kong ngayong araw ay nakalabas na si Lola Emilia.

Kinapa ko ang cellphone ko para tawagan si Isabelle.

Handa na akong ipaglaban ka.
Dahil ikaw ang mahal ko.

ng bigla naman may sasakyang nang galing sa kaliwa ko.

Hindi ko na ito naiwasan
Hanggang sa tuluyan na kaming nagkabanggaan.

__________________________
Carlo's POV

Pagkaalis ng ambulansya ay agad agad akong bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si Luke.

"Bro! Si Kylle!! Si yung nasa aksidente." natatarantang sabi ko

"Ha? Ano??"

"Dinala na siya sa ospital kailangang malaman ni Isay to."

"Oh sh*t!" napamurang sagot ni Luke

Ng makaandar na ang sasakyan namin ay tahimik lang kami ni Luke.

Mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya.
Paminsan minsan ay napapa iling na lang kaming dalawa.

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Isay to. At ganun din si Luke

"Tawagan mo si isay." sabi ni Luke

"Anong sasabihin ko?" nalilitong tanong ko

"Palabasin mo siya ng condo. Kailangang satin niya malaman yung balita." sabi ni Luke

Tama siya.
Kailangang nandun kami sa tabi niya pag nalaman niya tong masamang balita

Agad kong tinawagan si Isay

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon