SIARGAO 2.0

917 62 2
                                    

NOTE:
Pasensya na mga idol. Medyo mabagal ang update. Nagloloko kasi cp ko. Yung feeling na. Ang dami mo ng na type pero ang bagal lumabas. De uling kasi to. Hahaha. Tiis lang tayo ha. poor si otor😅.

Salamat pala sa mga nag comment sa last update. tuloy tuloy lang guys! 😗😗

SIARGAO 2.0
ISABELLE'S POV

Pinapahirapan talaga ko ng mokong na to eh! Tubig lang ako pa kumuha. Bababa siya kailangan kasama pa ko. Naglakad sa beach kailangan payungan mo pa. Sana hindi siya nag beach diba? Gigil talaga ko nito eh.

Pag tapos maglakad lakad. Nagpunta kami sa isang Seafood restaurant. At ng iserve na ang pagkain. My gadddd. Parang fiesta!

"Eat!" sabi ni Kylle

"Hindi mo kailangang magalit. Kakain talaga ko no! Pagkatapos mo kong pagurin. Kung ano ano inuutos mo. At halos lahat wala namang ka kwenta kwenta. Tapos iniisip mong hindi ako kakain? Ano ka swerte?" naiiritang sagot ko

"Isang word lang yung sinabi ko." sagot niya na wala manlang emosyon

"Eh kanina ka pa eh!" naiiritang sagot ko.

"Pwede ba. Calm down. Just be quiet!Kahit 30 mins lang."

"Oo na." sagot ko naman "Pero bossing. Infairness ha. Ang dami nito. Matakaw ka pala. Kaso puro seafoods to. Hindi kaya tayo ma high blood dito?"

"Kung gusto mo ng iba umorder ka" sagot ni kylle na halos walang emosyon

"Wag na. Baka pabayaran mo pa. Syempre umorder ka na. Tapos mag oorder pa ko? Eh ang galing mo pa naman sa math. Syempre mag dodoble ung order. Kekwentahan mo ko. Tapos sisingilin mo ko. Dahil wala akong pang bayad. Aalilain mo ko tapos.." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Kylle

"Ssshh. Please! Just eat." mahinang sabi niya

Ano kayang problema ng taong to. Kanina panay pang aasar ginagawa. Binibwisit ako. Inaalila. Ngayon parang kawawang bata. Parang maamong tupa. Hhmmm hindi kaya may sakit sa utak to? Bipolar siguro.

Pag tapos kumain nagyaya na ulit si Kylle na bumalik sa beach para maglakad lakad. Nag eenjoy din naman ako. Sobrang ganda talaga dito kahit gabi na.

Si Kylle naman, palakad lakad lang. Halos 30 mins na. Nakatingin lang siya sa malayo parang sobrang lalim ng iniisip habang pabalik balik ng lakad.

Hanggang sa kumuha siya ng upuan at inilapit sa bewch kung san maaabot ng alon yung mga paa niya at umupo na siya sa collapsible chair. Ako naman nasa bandang likod na medyo malayo sa kanya.

Ano kayang iniisip nitong mokong na to?

Hanggang sa lumingon siya at tinawag ako
"Hey. Crazy girl." tawag niya sakin

Crazy girl mo mukha mo.

"Ano yun SIRRR?" nang aasar na sagot ko

"Get me some beer! Now."

"Beer? Ok ka lang?? Beer talaga? Iinom ka?" nagtatakang tanong ko

"Yeah just do it."

Dahil medyo seryoso ang mokong. Sumunod na lang ako. Pumunta ako dun sa seafood restaurant at nag order ng beer. Binigyan naman nila ko agad dahil mukhang kilalang kilala naman talaga nila si kylle.

"Oh beer mo." sabi ko sabay abot ng isang bote ng beer baso at isang bucket ng yelo

"Thanks"
Aba at marunong pala mag pasalamat ang loko.

Hinayaan ko lang siya sa pwesto niya. Ako naman ang naglakad lakad. Nag enjoy ako sa view kahit gabi na.

Tatlong beses pa niya ko inutusang kumuha ng beer at nung nahalata kong magpapakuha pa siya. Inunahan ko na siya.

"Hoy." tawag ko kay kylle

"Diba sabi ko wag mo kong i-hoy."

"Bossing. Sir. Señorito. Wala ka pang balak magpahinga? Madilim na. Kanina ka pa tulala dyan. Tsaka nakakailang beer ka na. Lasenggo ka ba?"

"Sinusulit ko lang."

"Sinusulit? Ang yaman yaman mo. Kung gumastos ka nga parang wala ng bukas. Tapos sasabihin mo sinusulit mo lang."

"You dont get it." matamlay na sagot niya

Lasing na ba to?
Ang tamlay yata. Nakakapanibago ha.

"Talaga naman. Kahit anong oras pwede ka naman bumalik dito. Sa dami ba naman ng pera mo."

"Hindi ganun kadali."

"Bakit?"

"Basta. Sige tara na nga. Magpahinga na muna tayo."

Umakyat na kami sa hotel at bago kami maghiwalay sa kanya kanyang kwarto nag bilin muna si Kylle na gumising ako ng 7am at katukin siya sa hotel room niya.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon