PAG GALING NI LOLA

819 60 9
                                    

VOTE/FOLLOW/COMMENT
Grabe uyyyy. Yung mga readers nito parang hindi mga natutulog. 😊
Thank you sa mga nag cocomment. Nakakatuwa promise!
Diretso publish na ko pagkatapos ko magsulat kaya pasensya na kayo kung may mga mali mali minsan sa mga pag ta-type ko.

Game na ulit!
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

ISABELLE'S POV

Binili muna ko ni Luke ng tanghalian bago siya nagpaalam na kailangan niyang umalis dahil may kailangan siyang asikasuhin.

Pumayag naman ako pero nag iwan siya sa akin ng pera para kung sakaling may kailanganin si Lola.

Nahihiya ako at ayoko sanang tanggapin dahil napakalaki na ng tulong niya sa amin pero pinilit niya ako at sinabing hindi na raw ako kailangang mahiya sa kanila dahil isang pamilya na kami.

Naiwan akong mag isang nagbabantay kay Lola.

Maya maya ay may kumatok sa pintuan at ng buksan ko ito. Si Bea pala. Ang manager ni Kylle.

May dala siyang isang basket ng prutas. Bulaklak at chocolate na pinabibigay daw ni Kylle dahil gabi pa raw ito makakarating.

Humingi rin siya ng pasensya sakin dahil sa mga nangyari sa siargao.
Pinatawad ko naman siya agad.

Kinamusta niya ang Lola at ang bait bait niya mag salita. Nagpakita rin siya ng pag aalala dito.

Bago siya umalis ay nagbilin din siya sa akin at nagpayo dahil alam niyang hindi madali ang pagdadaanan namin ni Kylle.

Hapon na ng magising si Lola. Agad ko tong pinagbigay alam sa mga doctor.

Tinignan nila ulit si Lola at masayang binalita sakin na nasa ayos na daw ang lagay niya.

Pwede na raw itong kausapin at pakainin dahil masigla sigla na rin naman ang Lola ng magising.

"Pwede na kayong lumabas sa isang araw." sabi ng doctor

"Salamat po doc."

"Alagaan mo lang mabuti ang Lola mo at siguraduhin hindi siya magpapagod."

"Opo doc."

"Wag niyo rin kakalimutan ang mga gamot niya"

"Tatandaan ko po lahat yan doc. Salamat." sagot ko bago umalis ang mga doctor

"Lola." tawag ko kay Lola Emilia bago ko siya yakapin ng mahigpit. Niyakap niya rin naman ako ng naka ngiti

"Ang apo ko. Pasensya ka na kung nag alala ka sakin."

"Ssshhh. Lola bawal po kayo ma stress bilin po ng mga doctor yan." saway ko kay Lola. Ngumiti naman ito at hinimas ang mukha ko

"Gusto niyo po ng prutas Lola?" Tumango si Lola

Dahan dahan ko siya inupo at pinagbalat ng orange.

Masayang masaya ko pero hindi ko alam kung pano ako mag sisimulang mag kwento kay Lola ng tungkol kay Luke, Lolo Emilio at Kylle.

Ayaw kong mabigla siya sa dami ng balitang makukuha niya sa sandaling pagkakasakit niya.

"Lola. Sigurado po ba kayong okay na kayo? Wala na pong bang masakit sa inyo? Hindi na kayo nahihirapang huminga?" sunod sunod na tanong ko

"Ayos na ako apo. Magaan na ang pakiramdam ko. Kung pwede sana kausapin mo na ang doctor na ilabas na ako dito. Baka lumaki pa lalo ang babayaran natin."

"Lola. Tungkol po sa bill natin dito sa ospital. Ayos na po lahat."

"Saan ka kumuha ng pang bayad apo?" tanong ni Lola

"Lola wag kayong magugulat pero may gusto po sana akong ipakita sa inyo."

"Ano yun apo."

"Mag promise muna kayo Lola na hindi kayo aatakihin ulit o kahit ano man."

"Pangako. Magaan na talaga ang pakiramdam ko ngayon."

Pinakita ko kay Lola ang kwintas niya. Hindi siya makapaniwala ng kunin niya ito.

Bago pa man siya nag tanong ay sinabi ko na agad na galing ito kay Lolo Emilio.

"Si Emilio?"

"Oh Lola. Kalma ha."

"Kalmado ako apo. Natutuwa lang ako. Nasaan si Emilio?" tanong ni Lola

"Hindi ko pa po siya nakikita pero ang apo niya po ang nagbigay niyan dito. Luluwas din daw po si Lolo Emilio."

"Apo? May apo siya dito?"

"Opo. Si Luke po." sagot ko at saktong sakto naman ang pag bukas ng pinto ay si Luke ang pumasok

"Ikaw? Ikaw ba si Luke?" tanong ni Lola. Nagulat naman si Luke

"Opo Lola." sagot niya sabay lapit kay Lola para mag mano.

"Napaka gwapong bata. Kamukhang kamukha mo ang Lolo mo."

"Salamat po Lola kamusta po ang pakiramdam niyo?"

"Mabuti naman na apo. Masaya kong makita ka."

"Ako rin po." sagot ni Luke. "Luluwas po si Lolo Emilio bukas para dalawin kayo."

nag simula na kaming mag kwento kay Lola at masayang masaya kami.
Bandang alas otso ng gabi ng muling makatulog si Lola.

Halos sabay namang dumating si Caloy at Kylle. Medyo nalungkot silang dalawa dahil hindi nila naabutang gising ang Lola pero masaya sila dahil alam na ni Lola ang tungkol kay Lolo Emilio.

Habang natutulog si Lola ay mahinang nagkwentuhan kaming apat. Ako, si Kylle, si Luke at si Caloy.

Pag dating naman ng 10pm ay sabay sabay umuwi ang tatlo.

Nangako si Kylle na babalik siya upang magpakilala kay Lola Emilia kinabukasan.

________________________________
KINABUKASAN

Muling tinupad ni Kylle ang pangako niya. Maaga pa lang ay nasa ospital na siya at saktong gising na si Lola.

"Magandang umaga po." bati ni Kylle kay Lola at lumapit siya para mag mano

"Magandang umaga rin sayo iho."

"Pasensya na po kayo Lola kung hindi ko po nasabi sa inyo agad." kinakabahang bungad ko kay Lola

"Ano yun apo?" tanong ni Lola Emilia.

Tumingin ako kay Kylle na parang humihingi ng tulong. Ngumiti naman siya sakin.

"Lola. Ako po si..."

"Kilala kita iho. Diba kasama ka dun sa teleserye sa hapon. Paborito namin yun ni Ising. Ano nga ulit pangalan mo?"

"Opo. Ako nga po yun. Ako po pala si Kylle. Kylle Mattew po."

"Aba'y sabi na ikaw yun eh. Ka gwapong bata."

"Lola wag po sana kayong mabibigla pero boyfriend po ako ni Isabelle." kinakabahang sabi ni Kylle

Napatigil si Lola
Napalunok ako
Nagkatitigan kami ni Kylle

"Totoo ba yun apo?" Tanong sakin ni Lola

Napakamot ako

"Opo." kinakabahang sagot ko naman

"Masaya ako para sayo apo."

Gulat na gulat kaming dalawa ni Kylle sa narinig.
Sa wakas. Alam na ni Lola ang lahat.
Sobrang saya at ang gaan sa pakiramdam.

Hinayaan ko munang mag kwentuhan si Lola at Kylle. Nakakatuwa silang pakinggan habang nag kekwentuhan tungkol sa paboritong teleserye ni Lola.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon