SIR

741 53 4
                                    

Dumating ulit si Luke para kamustahin si Lola. May dala siyang mga pagkain at isang maliit na Teddy Bear para sakin.

"Lolaaaa."

"Oh Luke."

"Lola. Bukas na po ng madaling araw ang dating ng Lolo Emilio."

"Talaga apo?"

"Opo."

"Sa wakas. Sa haba ng panahon ay makikita ko na ulit ang kapatid ko." sabik na sagot ni Lola

"Magpalakas kayo agad Lola ha." si Luke. Tumango naman si Lola "kailangan pang beauty queen pag nagkita ulit kayo ni Lolo."

"Talaga naman itong batang ito oh." natatawang sagot ni Lola

"Pasaway." bulong ko

❤❤❤❤❤❤❤❤

"Aahhm. Isabelle, can i talk to you for a minute?" tawag sakin ni Kylle "excuse me lang po Lola." paalam niya

Lumabas siya ng kwarto at sumunod naman ako. Sa harap ng pinto kami nag usap.

"Sige lang apo."

"Bakit?"Tanong ko.

"Kailangan ko ng umalis in 30 minutes."

"Okay lang naiintindihan ko." nakangiting sagot ko

"May ano kasi. Ahhhmm. May pictorial ako." Parang nag aalangan na sabi ni Kylle

"Walang problema Kylle. Ano ka ba." sagot ko

"Ano kasiii.. ahhhmm. Pictorial kasi yun. With Sidney. Pero hindi lang namin kaming dalawa. Nandun sila Greg sila..."

Nagulat ako at inaamin kong medyo nag selos ako. Pero tiwala naman ako sa kanya.

"Sshhh. Wag mo kong isipin. May tiwala ako sayo."

"Thank you. I love you." malambing na sabi ni Kylle

"Mahal din kita SIR." kinikilig na sabi ko

"Na miss ko yan." sagot ni Kylle sabay pisil sa ilong ko

Hindi ko alam kung bakit pero parang pakiramdam ko ay may nanonood samin ni Kylle.

Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita.

Siguro hinala ko lang yun.
Baka kulang lang ako sa pahinga

"Halika na baka may makakita pa sayo dito." aya ko sa kanya at sabay kaming bumalik sa loob

Sabay sabay kaming kumain bago magpaalam si Kylle na kailangan na niyang umalis para sa kanyang pictorial sa isang sikat na brand ng damit.

"Pictorial?? Sama naman diyan bro." si Luke

Nagkatinginan kaming lahat.

"Are you sure? Baka ma bored ka dun."

"Hindi yan. Sige na bro sama na ko." parang batang sabi ni Luke

"Hhhmm yeah. Sure. No problem." sagot naman ni Kylle

"Alis muna ko Lola okay lang?"

"Ayos lang apo. Mag iingat kayo ni kylle."

"Salamat po Lola. Isay si Lola ha." bilin ni Luke

"Yes KUYA."

"Kuya ka diyan. INSAN na lang sabi. Lakas maka matanda eh." nagtawanan kaming lahat

Sabay na nga silang umalis.
_____________________________

Nagsimula nanaman akong mag isip. Unti unting naalala ko ang magandang mukha ni Sidney.
May kaunting takot na nabuo sa isip ko.

Kylle.
Paano kung isang araw hindi pala talaga ako ang gusto mo?
Paano kung isang araw maisip mo na hindi pala ako sapat para sayo.

Mahal ko si Kylle.
Mahal na mahal.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon