FOLLOW/VOTE/COMMENT
Isabelle's POV
7am ng magising ako. Inaantok pa ko pero tanghali na at naisip ko na kailangan ko pa palang gisingin si Kylle.Kaya bumangon na ko. Naligo at nag ayos. Lalabas na sana ko para puntahan si Kylle ng may biglang kumatok
Gising na pala siya.
Naglakad ako palapit sa pinto
"Oh buti naman at gising ka na pala" sabi ko pero nagulat ako ng buksan ko ang pinto
Si SIDNEY at may kasama pang isa ang bumungad sakin.
"Hi. Ahmmm good morning po Ma'am." gulat na gulat kong bati pero hindi nila ako pinansin
Dirediretso silang pumasok at naupo sa loob
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa no. But i want you to go home." si Sidney
"Po?" gulat na tanong ko
"Tama ang narinig mo. Pwede ka ng umuwi sa manila. O kung saan ka man uuwi."
"Pero... pero si Kylle!"
"You dont have to worry dear. Ako ng bahala kay Kylle. At sa palagay ko ako naman talaga dapat. Right?"
Masyado akong nabigla. Parang may iba pang ibig sabihin si Sidney sa mga lumalabas sa bibig niya. Hindi ko na makuhang sumagot.
"Here's your ticket. Nandyan na lahat ng kakailanganin mo. Nakausap ko na rin ang manager ng hotel and guess what... masaya silang ihahatid ka sa airport."
Hindi pa rin ako makasagot. Masyadong nakaka gulat.
"So maayos na lahat. Wala ka ng poproblemahin. You can go home. NOW" may sarcastic na ngiti pa ito habang nagsasalita
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako maka kilos. Parang ayaw humakbang ng mga paa ko
"Pero si Kylle..." sagot ko pero pinutol ako ng kasama ni bea
"Please Miss Isabelle. Kailangan mo munang umuwi. Para kay Kylle. Para sa ikakaayos ng problema niya. Ako nga pala si Bea. Manager ako ni Kylle" singit ni Bea sa usapan
Para kay Kylle???
Bakit?"May? May nagawa po ba ko?"
"No. Wala. Pero may kailangan lang kaming ayusin. At sa palagay ko mas makakabuti kung umuwi ka muna." paliwanag ng manager ni Kylle
"Sa ngayon wala pa. Wala ka pang nagagawa pero malay mo? Sa mga susunod masira na si Kylle ng dahil sayo." singit ni sidney
"Sidney stop." saway ni Bea mas lalo itong nag mukhang mataray
Naiinis na lumabas si sidney at naiwan kami ni Bea sa loob.
"Please Isabelle? Para kay Kylle. Magulong magulo na sa manila at hindi na maganda yung tinatakbo ng issue sa pangalan niya."
"Sige po pero magpapaalam muna..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Bea
"No please. Kami ng bahala. Alam ko hindi siya papayag na umuwi ka."
"Pero..."
"I know about you and Kylle. Youre friends now right? Hindi siya papayag na umuwi ka. Kaya sayo na ako makikiusap Isabelle. Hindi magiging maganda ang epekto pag may kung sino man na makakitang magkasama kayo."
Hindi na ako nakasagot.
"Para kay Kylle. Please?" tanong ni Bea sabay hawak sa magkabilang balikat ko
Wala akong magawa kundi tumango na lang kahit labag sa loob ko.
Tumayo ako para ayusin ang mga gamit ko. Nasa labas ng kwarto si Bea at Sidney at mukhang hinihintay ang pag alis ko.
Hawak ko na yung ticket na binigay sakin ni Sidney.
Paglabas ko yumuko lang ako ng bahagya sa kanila bago tuluyang maglakad.
Hinabol ako ni Bea at inabot sakin ang isang sobre.
"Para san po ito?" tanong ko
Sinilip ko ang sobre at nakita kong pera ang laman
"I just want to thank you."
"Hindi niyo na po ako kailangan bigyan niyan. Aalis po ako para po sa sinasabi niyong ikabubuti ng lahat. Hindi po para sa pera."
"Im sorry. Hindi ko sinasabing ganun ka. Baka lang kasi makatulong. Isabelle. Maraming salamat. Salamat sa pag intindi at sana magkita pa tayo. Pero sa ngayon. Sa ikabubuti ni Kylle. Sana ikaw na lang ang umintindi at gumawa ng paraan."
Ngiti na lang ang sinagot ko kay Bea.
"Isabelle. Thank you. For making him happy even for a short time. I know everything. And again... i really hope to see you again." si Bea
Hindi ko na kayang marinig pa ang ibang sasabihin niya. Tumango na lang ako bago tumalikod at maglakad palayo
Pagdating sa harap ng hotel ay naghihintay na pala ang sasakyan na maghahatid sakin sa airport.
Pagsakay ko ng sasakyan. Nag flashback sakin lahat. Mula sa simula
Stupid
Crazy girl
Stupid
Crazy girlNatatawa ako habang naaalala kong sinasabi sakin yun ni Kylle pero nagulat na lang ako ng may biglang pumatak sa pisngi ko.
Umiiyak na pala ko.
Thank you Kylle.
Salamat sa sandaling panahon. Naging masaya ko.
BINABASA MO ANG
Maid For Each Other (Mayward inspired story)
Teen FictionPasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.