1st day (vacation) LUKE

1K 66 6
                                    

Author:
Sorry kung medyo mabagal ang update natin mga bisprin! Medyo busy lang ang frenny nyo. ❤

Isabelle's POV

"Okay madali naman akong kausap. Maybe ill just agree with my consultant's advice and take legal action against you. See you in the court Miss Hernandez."

"Ano bang problema mo Mr. Kylle Mattew? Sabihin mo nga sakin. Ganyan ka ba talaga? Ha?" galit na tanong ko

"Dont worry. It wont take too long. I just need a maid for a week. Just a week. Para sa vacation ko."

Hindi ako nakasagot.
Hindi ko alam pero nagsisimula na talaga akong masuklam sa pagkataong nitong kaharap ko.

"Look Miss Hernandez. I dont usually take NO for an answer pero kung ayaw mo talaga. Fine. You may go. Pero siguraduhin mo lang na makakakuha ka kaagad ng lawyer mo."

Yumuko ako.
Hindi ako makapaniwala na may ganitong tao pala.

Napakasama.

"Pumapayag na ko." walang emosyon kong bulong

"Ha? Ano sabi mo? Pwede mong lakasan." tila nang aasar naman niyang sabi

"PUMAPAYAG NA KO!"

"Good! So see you na lang tomorrow and please! Be on time!"

tumalikod si mattew at umakyat sa hagdan papuntang 2nd floor. Naiwan akong mag isa. Nahihilo, naguguluhan, natatakot.

Naglakad na ko palabas ng mansyon.
Pilit ko pinababalik yung sigla ko. Hayss. Mahaba habang lakaran nanaman para makalabas lang sa village na to.

Kayang kaya mo yan Isay! Kayang kaya mo yan! Mabilis lang yung oras. Sandali lang yun. 2 week lang naman pala. Tapos simula pa yun ngayon. Kaya may 6 days ka na lang na kailangan tiisin.

Pagkatapos nito! Babalik na lahat sa normal! Konting tiis konting tiis.

Kaya yan Isay!
Laban!

Abalang abala ako sa pag iisip at pagkausap sa sarili ko habang naglalakad ng biglang

*BEEP BEEP*

"AY PALAKA" gulat na sigaw ko kasabay ng talon.

"Im sorry Miss, medyo nasa gitna ka na kasi. Baka lang mahagip ka ng iba. Marami kasing wreckless drivers dito." sabi ng isang lalaki na nakadungaw sa bintana ng sasakyan.

Hhhmmm. Bagets. Siguro matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon. Napaka fresh ng mukha niya. Parang anghel. Siguro model to. O artista na hindi ko lang kilala.

"Excuse me Miss. Hello. Okay ka lang?" tanong niya

Dun lang sa point na yun para akong nag ice bucket challenge. Dun lang ako bumalik sa katinuan.

"Ah eh. Pasensya ka na ha. May iniisip lang kasi ako." nahihiyang sagot ko

"Palabas ka ba? Sabay ka na" alok niya

Feeing ko kilala ko siya.

"Ay hindi. Nakakahiya naman. Wag na. Salamat medyo malapit na rin naman."

"Anong malapit ang layo layo pa. Sumabay ka na." parang nakukulitan na sabi Luke

"Kaya ko na to. Salamat pasensya na ulit ha." nakangiting sagot ko

"Look." bumaba sa sasakyan ang lalaking nagmamaneho "Kung natatakot ka sakin dont worry. Hindi ako masamang tao."

"Hindi. Wala naman akong sinasabing ganon. Naku naku. Pasensya na kung ganun yung iniisip mo."

"Sumabay ka na sakin wag kang mag alala. Harmless ako. Gusto ko lang tumulong." naka ngiting sabi niya.

Syempre tiwala naman ako.
Napakaamo ng mukha niya eh. Parang di makabasag pinggan. Mukhang mayaman pa kayang feeling ko safe naman ako kasi hindi naman siguro ako pag iinteresan nito.

Baka sadyang mabait lang talaga. Grabe gwapo na mabait pa. Package!

"Osige na nga. Nakakahiya lang kasi."

"Sus maliit na bagay. By the way im Luke." pakilala niya at inilahad yung isang kamay niya

"Im Isabelle." sagot ko naman bago makipag shake hands kay Luke.

"Tara na." sabi niya sabay turo sa sasakyan.

Pinagbuksan pa niya ko ng pinto bago siya sumakay sa driver's seat.
Hhmmm gentleman.

"San ka nga pala pupunta Isabelle?" tanong ni Luke

" Uuwi na." sagot ko naman

"Saan?" tanong niya

"Sa Bulacan." sagot ko

"Ang layo ha. Bakit nakarating ka rito?"

"May inasikaso lang."
please lang wag mo na itanong kung ano dahil baka kumulo nanaman yung dugo ko -sa isip isip ko

"Problema yan no? Tulala ka kasi kanina kaya binusinahan kita. Sorry nga pala. Nagulat kita."

"Ha? Ah eh hindi. Ako nga dapat mag sorry eh. Nakakahiya tuloy sayo." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Wala yun ano ka ba. Kaya lang sana sa susunod pag nasa kalsada ka wag ka masyadong mag isip isip. Delikado yun eh sige ka."

Napaka thoughtful naman nito.
Pagkatapos ko makaharap yung mala demonyong ugali nung pinuntahan ko dito ngayon mala anghel naman sa bait ang kaharap ko.

"Oo nga eh. Hindi ko din alam bakit nagka ganun. Salamat talaga ikaw yung nakakita sakin."

"Wala yun. Siya nga pala. Sa Bulacan din ang punta ko. Hahatid na kita sa inyo ha."

"Ay naku hindi na nakakahiya na talaga to." gulat na sabi ko

"Wala yun. Syempre magkakilala na tayo diba. Para sakin friends na tayo. Ganun eh. Friendly."

"Oo friend na tayo pero nakakahiya ba talaga sayo. Nakaka abala na ko. Okay na ko sa sakayan na lang."

"Alam mo pag iniwan kita konsensya ko pa pag may nangyari sayo. Tsaka bulacan din naman ang punta ko. Kaya wag ka na mag alala dyan. Ok?" Nakangiting sagot naman niya sakin

"Taga Bulacan ka din?" tanong ko

"Hindi pero may kuya kuyahan kasi ako dun. Ikakasal siya bukas. Sa Barasoain Church. Best man ako eh. Kaya mas okay kung dun na din ako matulog tonight."

"Maganda dun sa napili nilang simbahan. Very solemn. Pero akala ko taga bulacan ka din."

"Hindi. Manila boy talaga ko. I mean, Sa manila na ko lumaki. Sa ingay, sa gulo. So saan ka nga sa Bulacan?"

"Sa Obando. Pero siguro pwede na ko sa Valenzuela sumakaym malapit naman na yun eh. Para diretso ka na."

"Hindi na. Ihahatid na kita. Maaga pa naman eh."

"Sigurado ka? Lahat ba ng nakikita mo sa daan hinahatid mo?"

"Oo sure kaya relax ka lang dyan. At hindi lahat hinahatid ko. I just got this feeling na kailangan mo ng kasama, kausap. Ganun lang."

"Salamat Luke. Feeling ko ang tagal na nating magkakilala."

"Nakuha mo! That's why! Feeling ko rin kilala kita eh". Sagot ni Luke

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon