Noli Me Tangere Kabanata 8 - Mga Alaala
Maganda ang araw noong panahong iyon. Binabagtas ni Ibarra ang kahabaan ng Maynila sakay sa kalesa at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala.
Katulad pa rin ng dati ang kanyang namasdan. Mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang mga gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay mga kababaihang nagtitinda ng prutas. Ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay ay nandoon din.
Walang pinagbago ang puno ng talisay sa San Gabriel samantalang imbes na umunlad ay pumangit naman ang Escolta.
Nagmamadali namang ihatid ng mga karwahe ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Siya'y nakita ni Kapitan Tinong kaya binati siya nito.
Sa kalye ng Arroceros ay napadako si Ibarra at naalalang minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako doon. Naikumpara din niya ang mga hardin sa Europa ng mapadaan siya sa Hardin ng Botaniko.
Ang buong Maynila para sa kanya ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon.
Dahil dito, sumagi sa isipan ni Ibarra ang sinabi ng kanyang gurong pari.
Una: Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso.Pangalawa: Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon.Pangatlo: Dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan - kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.
Talasalitaan:
Arabal - purok, distrito
Humayo - umalis
Humihilam - nagpapahapdi ng mata
Kamangmangan - walang nalalaman
Katutubo - pansariling katangian
Maparam - mapawi
Mapasupling - mapatubo
Maririkit - maniningning
Muralya - pader
Nabansot - naging pandak
Nahalinhan - napalitan
Nahihimlay - natutulog
Nakaakit - nakahalina
Nakagayak - nakabihis
Nakalulan - nakasakay
Nakatimbuwang - nakatihaya
Nangisay - nanginig
Tanglaw - ilaw
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...