⚡⚡⚡
Kabanata 51: Ang Pagbabago
Nakatanggap ng liham si Linares mula kay Donya Victorina. Nabalisa ito sa babalang kailangan niyang maipapatay ang alperes.
Mas lalo pa nitong ikinabalisa ang pananakot ni Donya Victorina na kung hindi niya malalampaso ang alperes ay sasabihin nito kay Kapitan Tiago at Maria Clara ang sikretong hindi siya sekretaryo ng Madrid.
Habang iniisip ni Linares ang nabasang liham ay pumasok sa sala si Padre Salvi. Kinamusta nito si Linares at biglang pasok naman ni Kapitan Tiago.
Masayang ibinalita ni Padre Salvi na napawalang bisa na ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Dagdag pa ni Padre Salvi, si Padre Damaso nalang ang sagabal ngunit kung kakausapin ni Maria Clara ang pari ay hindi na ito makakatanggi.
Ilang sandali pa ay dumating si Ibarra habang nag-uusap sina Padre Salvi at Kapitan Tiago. Ipinakita ni Padre Salvi ang pagkagalak kay Ibarra. Tumabi naman ang binata kay Sinang. Doon ay nagtanong si Ibarra kung galit ba sa kanya si Maria Clara.
Ayon kay Sinang, lagi daw sinasabi ni Maria Clara na limutin nalang daw siya ng binata. Nakiusap si Ibarra kay Sinang na makipagkita sa kanya ang dalaga. Nangako naman si Sinang na tutulong siya upang magkita ang dalawa.
⚡⚡⚡
Talasalitaan:
Liham - sulat
Nabalisa - hindi mapakali, natatakot
Alperes - opisyal ng militar
Malalampaso - matatalo
Ekskumonikado - bawal tanggapin ng simbahan habang nabubuhay
Sagabal - hadlang
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Ficción históricaAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...