⚡⚡⚡
Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi
Nabinat si Maria Clara matapos itong mangumpisal. Dahil sa taas ng lagnat ay nababanggit pa nito ang kanyang ina tuwing gabi.
Patuloy naman siyang inaalagaan ni Tiya Isabel at ng kaniyang mga kaibigan. Inihandog ni Kapitan Tiago sa Birhen ang kanyang gintong baston. Ikinagulat ng lahat nang mapansing bumaba ang lagnat ng dalaga.
Naging paksa sa usapan nina Padre Salvi, kapitan Tiago, at mag-asawang de Espadaña ang pagpapalipat kay Padre Damaso ng ibang destino. Ikakalungkot ni Maria Clara ang pagkalipat ni Padre Damaso dahil tinuring na rin niyang ama ang pari.
Para kay Padre Salvi ang hindi pagkikita ni Maria Clara at Ibarra ang dahilan ng mabilis na paggaling nito. Ngunit para naman kay Donya Victorina ang pagpapagaling ng kanyang asawa ang dahilan nito.
Nalaman ni Maria Clara sa kaibigang si Sinang na hindi pa makasulat si Ibarra dahil abala pa ito sa pagpapawalang bisa sa pagiging ekskomunikado. Nahinto ang usapan ng dumating si Tiya Isabel upang ihanda si Maria Clara sa kanyang pangungumpisal.
Nang palabas na sina Sinang at Victoria, ibinulong ni Maria Clara kay Sinang na ipakisabi raw nito kay Ibarra na limutin na siya.
Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara kay Padre Salvi. Napansin ni Tiya Isabel na hindi nito pinapakinggan ang kumpisal ng dalaga sa halip ay nakatitig lang ito.
⚡⚡⚡
Talasalitaan:
Nabinat – pagbalik ng sakit
Kumpisal – pagpapahayag
Destino – mailagay o ilipat
Napawalang bisa – napawalang sala
Ekskomunikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabububay
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...