Kabanata 50

6K 13 0
                                    

⚡⚡⚡

Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias

Animnapung taon na ang nakalipas nang mamasukan ang lolo ni Elias bilang tagasuri sa opisina ng isang mangangalakal na Kastila. Nang masunog ang nasabing tanggapan ay inihabla ito nang may-ari.

Dahil sa walang kakayanang kumuha ng magaling na abogado ay masaklap na parusa ang pinataw dito. Itinali ito sa kabayo at kinaladkad hanggang sa maging duguan ang buong katawan. Walang ibang naglakas tumulong dito kundi ang luhaang asawa lamang.

Napilitang manlimos ang kanyang lola para may pambili ng gamot ng asawa at para may ipakain sa nag-iisang anak na lalaki.

Sa kagustuhang lumayo sa lipunang nagbibigay ng lungkot sa kanila ay namundok sila. Ngunit dahil sa pagod at kalungkutan ay nakunan ang noo’y nagdadalang-tao na lola niya. Dahil sa patong-patong na problema ay nagbigti naman ang lolo niya.

Nabulok ang bangkay ng lolo ni Elias at nasakdal naman ang lola sa salang kapabayaan. Kung sinu-sinong lalaki din ang kinasama nito. Makalipas ang ilang buwan ay muling nabuksan ang kaso ng lola ni Elias.

Sa takot na makulong ay itinakbo niya ang dalawang anak na lalaki sa kalapit na lalawigan. Pinalaki niya ang dalawang magkapatid. Naging bandido ang nakakatandang anak na tinawag na Balat habang ang isa naman ay nangako sa sariling aalagaan ang ina.

Patuloy na namuhay ang lola ni Elias at ang nakakabatang anak nito sa gubat. Sa kasamaang palad ay nahuli ng gwardiya sibil si Balat. Patung-patong na krimen ang nagawa nito kung kaya’t masaklap na paghuhusga ang ginawa sa kanya.

Isang umaga ay nakita nalang ng mga tao ang bangkay ng lola nito. Natagpuan ito sa ilalim ng puno ng bulak. Ikinagulat naman ng bunsong anak nang makita ang duguang ulo ng kapatid na nakasabit sa sanga ng puno.

Matapos maipalibing ng bunsong anak ang bangkay ng kapatid at ina ay nagpakalayu-layo ito. Maraming narating hanggang sa mapilitang maglingkod sa mayamang mangangalakal na may malaking kapital sa lalawigan ng Tayabas.

Paglaon ay unti-unting nakaipon ng salapi at napaunlad ang sarili. Nakakilala siya ng isang dalaga na may mahigpit na magulang. Nang minsang may mangyari sa kanila ay nangako naman na ito’y papanindigan.

Ngunit imbes na makasal ay pinakulong ito ng magulang ng babae. Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Nanganak ang babae ng kambal, isang babae at isang lalaki. ito ay si Elias at Concordia.

Lumaki ang kambal na ang alam nila ay patay na ang kanilang ama. Musmos palang ay namatay naman ang kanilang ina.

Nag-aral si Elias sa mga Heswitas dahil may kaya naman ang lolo nito. Ngunit agad naman itong umuwi kasama ang kambal niya nang mamatay ang lolo upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.

Si Concordia naman ay nakatakdang ikasal ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa nalaman ang nakaraan nito. Nalungkot si Concordia sa balitang ikinasal na sa iba ang kanyang kasintahan. Nawala nalang ito ng bigla isang araw.

Pagkatapos ng anim na buwan ay may nabalitaan si Elias na may natagpuang bangkay ng isang babae na may tarak sa dibdib. Ito nga ang kapatid niyang si Concordia.

Magmula noon ay nagsimulang gumala-gala si Elias sa iba’t-ibang lugar dahil sa mga bintang na hindi naman niya ginawa.

⚡⚡⚡

Talasalitaan:

Tagasuri – tagatingin
Ipinataw – ipinatong
Nasakdal – suspek
Bandido – tulisan, may nalabag na batas
Masaklap – hindi kanais-nais
Paglaon – lumipas
Musmos – bata

"Buod Ng Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon