⚡⚡⚡
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
Dumating ng walang abiso ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Tiyago kung kaya naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin.
Sinamantala ng lahat ang nalalabing oras upang makapag-gayak maliban kay Maria Clara na patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng kanyang ama na makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Balewala ang pag-aalo sa kanya nina Tiya Isabel at Andeng.
Iminungkahi ng kanyang Tiya na maari silang sumulat sa Papa at magbigay ng malaking halaga upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Nagprisinta naman si Andeng na gagawa umano ng paraan upang magkausap ang magkasintahan.
Nagpunta si Kapitan Tiyago sa kumbento at inihayag nito kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra.
Ipinag-utos naman ni Padre Sibyla na huwag nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata. Kahit daw ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran dahil ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno.
Lalong nagdalamhati si Maria sa mga narinig. Inalo ni Kapitan Tiyago ang anak at sinabing si Padre Damaso ay may inilaan sa kanyang isang binata na kamag-anak nito na manggagaling pa mula sa Europa.
Nasindak nang lalo ang dalaga at maging ang kanyang Tiya Isabel ay nagalit sa Kapitan kaya pinagsabihan niya ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan.
Hindi rin pumayag si Kapitan Tiyago ng imungkahi ni Tiya Isabel na sulatan nito ang Arsobispo. Ayon kay Kapitan Tiyago ay hindi naman sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Pagkatapos nito’y bumalik na sa paghahanda sa bahay ang Kapitan samantalang si Maria ay pumasok na sa kanyang silid.
Ilang sandali pa’y dumating na rin ang Kapitan Heneral at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Taimtim na nananalangin si Maria ng siya ay pasukin ni Tiya Isabel dahil ipinatatawag daw ito ng Kapitan Heneral. Pagdaka’y sumunod naman ang dalaga.
⚡⚡⚡
Talasalitaan:
Ekskomunyon – pagtitiwalag sa simbahang Katoliko.
Nawalan ng ulirat – hinimatay
Pahiwatig – mga ‘di tiyak o tagong pahayag o kaya’y mga kilos o galaw ayon sa pagpapakahulugan ng mga tao
Yagbols – pinalakas-loob
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...