Noli Me Tangere Kabanata 24 – Sa Kagubatan
Nakapagmisa ng maaga si Padre Salvi at agad ay nag-almusal. Hindi na nito tinapos ang pagkain, sa halip ay nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe.
Malayo pa lamang ay pinahinto na ng pari ang karwahe upang malayang mapagmasdan ang mga kadalagahan. Di naman siya nabigo sapagkat nakita niya ang masasayang mga dalaga maging ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil ni Padre Salvi ang kanyang sarili at hinanap ang mga kalalakihan.
Makatapos ang pananghalian ay nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya ito ay nagkasakit.
Nagkataon namang dumating si Sisa na nais sanang pakainin ni Ibarra ngunit dala ng pagiging wala sa katinuan ay agad itong umalis.
Nabanggit din sa usapan ang pagkawala ng mga anak ni Sisa kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi.
Ikinatwiran ni Don Filipo na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Si Ibarra nama'y pumagitna na sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang mga ito.
Maya-maya'y nakiumpok si Ibarra sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ng binata sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Ngunit natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang, bagay na hindi sinang-ayunan ni Ibarra.
Aniya, mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Ang kasulatan ay hinati ni Ibarra at ibinigay kina Maria Clara at Sinang.
Walang anu-ano'y dumating si Padre Salvi at pinunit nito ang aklat ng walang hudyat. Ayon sa pari, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito.
Si Albino nama'y nainis at sinagot ang kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba.
Kaagad na lumayas ang kura at padabog na bumalik sa kumbento.
Ilang sandal pa'y dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Si Elias ang pakay nila sapagkat ito diumano ang nanakit kay Padre Damaso.
Kinuwstyon din ng mga dumating ang pagkupkop ni Ibarra kay Elias. Ito nama'y agad na sinalungat ng binata at sinabing walang karapatan ang mga ito na kwestyunin ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan.
Ang buong kagubatan ay hinalughog ng gwardya sibil ngunit hindi nila nakita si Elias.
Talasalitaan
Kiming dalaga – mahiyaing dalaga
Naganyak na sumama – napa-oo
Nasawata ang pagtatalo – napigilan
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...