Kabanata 17

18.5K 87 0
                                    

Noli Me Tangere Kabanata 17 – Si Basilio

Dumating sa kanilang bahay si Basilio na duguan sa kadahilanang hinabol siya ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi na siya nakahinto sa paglalakad dahil sa takot niyang ikulong at paglinisin sa kuwartel.

Ipinakausap ni Basilio sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari.

Nalaman na rin ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa. Nahabag ang puso ng ina dahil sa awa sa kanyang bunso.

Ngunit hindi ipinagtapat ni Basilio ang parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng sakristan mayor at pari. Nawalan na rin siya ng ganang kumain dahil sa kalagayan ng ina lalo na ng malaman nitong dumating ang kanyang ama.

Di kasi linggid sa kaalaman ni Basilio ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina tuwing dumarating ito sa kanilang bahay.

Dahil sa galit ay nasabi nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Baka sa ganitong kalagayan ay mabuhay pa sila ng maayos. Ito nama'y pinagdamdam ng kanyang ina.

Para kay Sisa, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay nais pa rin niyang magkakasama silang lahat.

Nakatulugan naman ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Sa kalagitnaan ng kanyang tulog ay binangungot ito. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Ito'y pinalo nila ng yantok sa ulo hanggang sa duguang humandusay sa sahig.

Nagising na lamang sa yugyog ng kanyang ina si Basilio at sa halip na ipagtapat ang laman ng kanyang panaginip ay sinabi na lamang niya ang kanyang pangarap para sa ina at kapatid.

Ani Basilio, nais niyang huminto na sila sa pagsasakristan ni Crispin. Magpapastol na lamang siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra. Pagsapit sa edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid ay hihiling siya ng kapirasong lupa para sakahin.

Pauunlarin niya raw ito at kapag umunlad na ang kanilang buhay ay pag-aaralin niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo. Ang kanyang inang si Sisa ay patitigilin na rin niya sa pananahi.

Bagaman nagpapakita ng pagkatuwa ang ina sa mga pangarap ng anak ay lihim naman siyang nasasaktan dahil hindi isinama ni Basilio sa kanyang mga plano ang kanyang ama.

Talasalitaan:

Ampahilom – gamit para sa paggaling ng sugat
Bulo– anak ng kalabaw o baka
Dumaplis – pasagi o pahaging ang pagtama
Ikinabuwal – natumba at napahiga
Punglo – bala
Quien vive – salitang Español na nangangahulugang "Sino ang nariyan?"
Sakristan Mayor – namumuno sa lahat ng sakristan
Sinunggaban – biglang dinakma o inagaw ang isang bagay
Tagapastol – tagapag-alaga ng hayop, gay ng tupa, kalabaw at kabayo
Yantok – galing sa isang uri ng palma na may mahahaba at magkakadugtong na sanga

"Buod Ng Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon