⚡⚡⚡
Kabanata 57: Vae Victis o Ang mga Talunan
Nakabantay ang mga gwardiya sibil sa harap ng tribunal. Nagbabanta na papaluin ang mga bata ng baril kung sisilip ang mga ito sa rehas.
Malungkot ang paligid ng tribunal. Malayo sa tribunal na pinagdausan ng miting nung nagplano para sa kapistahan.
Naroon ang mga konstabularyo at mga pulis na pabulong kung mag-usap. Nasa tribunal din ang sekretaryo ng munisipyo, ang alperes at ang asawa nito, at dalawang klerk.
Ika-siyam na ng dumating si Padre Salvi. Sunod na dumating ang isang batang babae na umiiyak at may dugo sa salawal. Hinarap ni Padre Salvi ang dalawang natitirang buhay sa mga binihag ng mga gwardiya sibil.
Itinanong kay Tarsilo Alasigan kung may kinalaman ba si Ibarra sa naganap na paglusob. Iginiit nito na walang kinalaman ang binata sa halip ay gusto lang nilang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay ng mga gwardiya sibil.
Dinala si Tarsilio sa limang bangkay kung saan ay nakita niya ang kapatid na si Bruno na puno ng saksak, ang asawa ni Sisa na si Pedro, at si Lucas na noo’y may tali pa ng lubid sa leeg.
Nanatiling tahimik si Tarsilio sa lahat ng tanong sa kanya kaya’t pinagpapalo ito hanggang sa magdugo ang buong katawan. Sa labas ay nakita ng kura ang kapatid na babae nila Tarsilio at Bruno.
Binulungan ni Donya Consolacion ang asawa na ipagpatuloy ang pagpapahirap kay Tarsilio ngunit hiniling nito na madaliin nalang ang kanyang kamatayan. Wala paring makuhang impormasyon mula kay Tarsilio kaya ito’y inilublob sa balon hanggang sa umagos ang dugo nito sa ilong at tuluyan nang binawian ng buhay.
Sunod namang binalingan ang isa pang bilanggo na si Andong sintu-sinto na tawag ng karamihan. Tinanong ng nag-uusig kung bakit siya nasa ilalim ng puno ng saging sa tabi ng kwartel. Aniya ang biyenan niya ang may kasalanan dahil pinapakain ito ng bulok na pagkain.
Nagkataong sumakit ang tiyan niya at tumakbo sa ilalim ng puno ng saging sa tabi ng kwartel at doon ay nagbawas. Doon siya pumunta dahil madilim ang lugar na iyon at tiyak ay walang makakakita sa kanya.
Nagulat nalang siya nang biglang may nagputukan at natakot nang biglang may humuli sa kanya. Ipinag-utos ng alperes na ibalik si Andong sa kapitolyo at doon ay ibilanggo.
⚡⚡⚡
Talasalitaan:
Tribunal – taga husga
Rehas – kulungan
Alperes – mayor
Salawal – pambabang kasuotan
Paglusob – pagsugod
Kura – pari
Inilublob – inilubog
Binalingan – binigyan ng atensyon
Kwartel – tirahan ng mga sundalo
Ibilanggo – ikulong
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...