Kabanata 56

5.1K 14 3
                                    

⚡⚡⚡

Kabanata 56: Mga Sabi-sabi at Pala-palagay

Kinaumagahan ay kita pa rin sa bayan ng San Diego ang takot. Tahimik ang buong paligod dahil walang makikitang palakad-lakad sa daanan.

Isang batang lalaki ang naglakas ng loob na magbukas ng bintana. Nang makita ng lahat ang katapangan ng bata ay sabay-sabay nagbukas ng kani-kanilang bintana ang magkakapit-bahay.

Ang kaninang tahimik na kapaligiran ay nagmistulang palengke sa ingay. May mga nagsasabi na grupo daw ni Kapitan Pablo ang mga lumusob.

May ilan namang nagsabi na nagkaengkwentro raw at nagbarilan ang mga pulis at ang mga konstabularyo na siyang naging rason kung bakit dinakip ang Bise Alkalde. May mga kwento pang nagkarambulan daw si Padre Salvi at ang alperes.

May kumakalat ding balita na Intsik ang lumusob. Nagtangka umano si Ibarra na itanan si Maria Clara kaya pinigilan ni Kapitan Tiago ang pagtatanan sa tulong ng mga gwardiya sibil.

Samantala, isang lalaki ang nakausap ni Hermana Pute. Ayon dito, nagtapat si Bruno at nagpatunay sa bali-balita tungkol kina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Bukod dito, may balita pa galing sa isang babae na nakita daw nito si Lucas na nakabitin sa ilalim ng puno ng santol.

⚡⚡⚡

Talasalitaan:

Lumusob – sumugod
Nagkaengkwentro – makasagupa
Dinakip – kinuha, inaresto
Bise alkalde – Bise mayor
Nagkarambulan – nagkagulo
Alperes – opisyal ng militar

"Buod Ng Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon