⚡⚡⚡
Kabanata 62: Ang Paliwanag ni Padre Damaso
Kinaumagahan ay kita pa din ang lungkot kay Maria Clara. Kahit ang mga regalong natanggap niya sa selebrasyon ay hindi niya pinapansin.
Ilang sandali pa’y dumating si Padre Damaso. Hiniling ni Maria Clara sa pari na ipahinto ang pagpapakasal nito kay Linares.
Plano sana ni Maria Clara na hanapin si Crisostomo Ibarra pagkatapos nito magpakasal kay Linares. Pero dahil patay na si Ibarra mas gugustuhin nalang ng dalaga na pumasok sa kumbento o kaya ay magpakamatay kaysa magpakasal sa lalaking di naman niya mahal.
Alam ni Padre Damaso na buo na ang loob ni Maria Clara na pumasok sa kumbento at wala na itong magagawa. Mas pipiliin pa niyang magmadre si Maria Clara kaysa sa magpakamatay kaya pumayag na din ito sa kagustuhan ng dalaga.
Pumunta si Padre Damaso sa asotea na umiiyak, tumingala ito sa langit at bumulong. Hiniling niya sa Diyos na wag idamay sa pagpaparusa ang kaniyang anak.
⚡⚡⚡
Talasalitaan:
Selebrasyon – pagdiriwang
Kumbento – simbahan
Asotea – balkonahe
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...