⚡⚡⚡
Kabanata 52: Ang mga Anino
Sa madilim na sementeryo ay maaaninag ang tatlong aninong nagbubulungan.
Tinanong ng isang anino kung nakausap ba nito si Elias. Tugon naman ng isang anino ay hindi pa pero tiyak niya na kasama nila si Elias dahil minsan na itong nailigtas ni Ibarra. Dagdag pa ng isang anino na tinulungan ni Ibarra ang asawa nito na maipagamot sa Maynila.
Sila din daw ang sasalakay sa kwartel upang ipamukha sa mga gwardiya sibil na sila ang mga anak na handang maghiganti para sa mga ama nila. Napag-usapan din ng mga anino na aabot sa dalawampung katao na ang tauhan ni Ibarra.
Sandaling tumahimik ang mga anino nang may narinig na paparating. Dalawang anino ang magkasunod na dumating sa sementeryo. Ang unang anino ay walang iba kundi si Lucas. Hinanap ni Lucas ang dalawang magkapatid na nangakong makikipagkita doon.
Ayon kay Lucas ay may sumusunod sa kanya kaya kinakailangan maghiwa-hiwalay at magtago ang mga aninong nandoon. Nagtago si Lucas sa likod ng pintuan ng sementeryo at nagmatyag kung sino ang sumusunod sa kanya.
Bumuhos ang malakas na ulan at nagtatakbong sumilong si Elias sa likod ng pinto ng sementeryo na may bubong na yero. Doon ay natagpuan niya ang unang sumilong. Napagkasunduan ng dalawa anino na magsugal at kung sinuman ang matalo ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay.
Tumungo ang dalawa sa loob ng libingan at pumuwesto sa itaas ng puntod. Doon sila umupo ng magkaharapan at nagsimulang magsugal. Ang dalawang anino ay si Elias at Lucas. Sa huli ay natalo si Elias sa sugal nilang dalawa.
⚡⚡⚡
Talasalitaan:
Maaaninag – makikita
Tugon – sagot
Kwartel – tirahan ng mga sundalo
Nagmatyag – nagtingin tingin
BINABASA MO ANG
"Buod Ng Noli Me Tangere"
Historical FictionAng Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus k...