Kabanata 37

10.9K 41 1
                                    

⚡⚡⚡

Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral

Ipinahanap agad ng Kapitan Heneral si Ibarra pagkarating niya. Kinausap niya ang binata na nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon.

Akala ng binata ay sasamain siya sa Kapitan Heneral ngunit matapos niya itong kausapin ay nakangiti itong lumabas ng silid. Tanda ito ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral na mayroong panahon basta sa katarungan.

Sumunod na kinausap ng Kapitan Heneral ang mga prayle na sina Padre Sibyla, Padre Martin, Padre Salvi at iba pa. Nagpakita ng paggalang ang mga ito sa pamamagitan ng pagyuko maliban kay Padre Sibyla samantalang si Padre Salvi naman ay halos mabali na ung baywang sa pagkakayuko. Kanilang binanggit ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya wala siya doon.

Sumunod na nagbigay galang sina Kapitan Tiyago at Maria Clara na pinapurihan ng Heneral dahil sa katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Padre Damaso, maging ang pagbabalik ng hinahon ng binata dahil na rin sa kanya. Nabanggit ng Heneral na dapat siyang gantimpalaan dahil sa kanyang ginawa na agad namang tinanggihan ng dalaga.

Ilang sandali pa’y dumating na si Ibarra upang makausap ng Heneral. Nagpaalala naman si Padre Salvi na ang binata ay ekskomulgado ngunit ‘di naman ito pinansin ng Heneral. Sa halip ay ipinaabot niya sa pari ang pangangamusta nito kay Padre Damaso. Umalis ang mga pari na hindi nagustuhan ang ipinakita ng Heneral.

Binati ng Heneral si Ibarra at pinuri ang ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Ayon sa Heneral ay kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging ekskomulgado ng binata.

Napansin naman ng Heneral ang pagiging balisa ni Maria kaya sinabi nitong nais niyang makaharap ito bago umaalis patungong Espanya. Ipinaabot naman nito sa alkalde na samahan siya sa paglilibot.

Base sa pag-uusap ng binata at ng Heneral ay mapapansin na kilala ni Ibarra pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Namanghanga rin ang Heneral sa katalinuhan ng binata na di umano bagay ang kaisipan sa Pilipinas. Anang Heneral, ipagbili na lamang daw ni Ibarra ang lahat ng kanyang ari-arian at sa Espanya na lamang manirahan dahil ang katalinuhan umano nito ay nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa.

Bagay na di sinang-ayunan ni Ibarra dahil ayon sa kanya ay higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Maya-maya’y binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tiyago.

Umalis na si Ibarra upang puntahan si Maria. Samantala, sinabi ng Heneral sa Alkalde Mayor na protektahan ang binata upang maisakatuparan nito ang kanyang mga layunin at tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod.

Ilang sandali pa’y dumating na si Kapitan Tiyago. Pinuri ng Heneral ang pagkakaroon nito ng mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal ng dalawa.

Kaagad namang hinanap ni Ibarra si Maria at nagtungo sa silid ng dalaga. Kumatok siya sa pintuan ng silid ngunit ang sumagot sa kanya ay si Sinang at sinabing isulat na lamang niya ang gusto niyang sabihin Kay Maria Clara sapagkat papunta na sila sa dulaan.

⚡⚡⚡

Talasalitaan:

Ekskomunikado – taong tiniwalag sa simbahan kaya’t hindi dapat pakitunguhan ng sinumang katoliko
Kimi – nahihiya
Kinalulugdan – kinatutuwa
Nagkasala – nagkamali
Nanghihinawa – nagsasawa
Pagbubunsod – nag-uudyok
Paghihidwaan – pag-aaway
Pinalagos – pinadaan
Sigalot – gulo

"Buod Ng Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon