Chapter 8

105 2 0
                                    

"Breakfast is ready, Baby!" Magiliw kong sabi pagkatapos kong magluto ng paborito nyang breakfast.

Napawi yung mga ngiti ko nang hindi sya matuwa sa niluto ko.

"May problema ba, anak?" Tanong ko sabay lapit sakanya. Kinukusot nya ang mga mata nya at parang hindi maganda ang gising nya.

"Goodmorning!" Tumingin ako kay Kyle na kakapasok palang sa kusina. Sinenyasan ko sya na lumapit sa amin. Bigla namang umiyak si Kyienne ng malakas.

"Kyienne? Bakit? Anong problema?" Nagpapanic na kaming dalawa dahil hindi namin alam ang gagawin.

Dapat ko ba syang buhatin? Anong gagawin ko? "Masama ba ang pakiramdam ng baby namin?" Nag aalalang tanong ni Kyle.

Nakita ko sa mga mata nya ang pag aalala at lungkot dahil sa nangyayari.

Hinipo ko ang noo at leeg ni Kyienne kaya nagulat akong ang taas ng lagnat nya. Jusko! Ano bang gamot para dito?

"Dalhin natin sya sa ospital para mapacheck-up sya" nagmamadali naman akong binuhat si Kyienne at dinala namin sya sa ospital na malapit.

Nakatulog si Kyienne dahil sa kakaiyak nang makarating kami sa ospital. Agad akong pinagbuksan ni Kyle ng pinto ng kotse kaya lumabas na ako habang buhat si Kyienne.

"Mataas po ang lagnat nya pero wala namang ibang problema. Napagod lang po siguro ang bata" Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor na nagcheck kay Kyienne.

"Mas mabuti po na uminom sya ng vitamins para lumusog ang pangangatawan nya. Para iwas din po sa mga sakit"

Ibinigay nya ang mga kailangan na vitamins at mga gamot na iinumin ni Kyienne habang nandito sya sa ospital.

Nagpasalamat kami sa doctor at agad na binaling ang tingin namin kay Kyienne na mahimbing na natutulog. Kapag wala na syang lagnat, ia-out na namin sya.

"Mama" Napadilat ako sa boses na narinig ko at agad na tumingin sa pinanggalingan ng maliit na boses.

"Kyienne. Ano? Okay ka na ba? Masama pa ang pakiramdam mo?"

Agad akong kumuha ng tubig at sya naman ay umupo mula sa pagkakahiga.

"I'm okay, Mama. Uwi na tayo"
Ibinigay ko sakanya ang tubig na agad nyang ininom

Nilapitan ko si Kyle na nakaupo sa couch at natutulog.

"Kyle, Gising na si Kyieene"

Agad syang nagmulat ng mata at agad na tumayo

Pinanood ko lang syang lumapit kay Kyienne at ipinaghanda ito ng pagkain.

Napangit nalang ako. Alagang alaga ni Kyle ang anak namin.

Bakit kaya ako lumayo noon at itinago si Kyienne sakanya? Ang sabi ni Kyle, akala ko daw nagtaksil sya sa akin. Pero hindi ko ba sya pinag explain noon?

Pero natutuwa ako na naging honest sya sa akin at kahit na alam nyang wala akong matandaan, sinabi parin nya ang totoong dahilan. Na kahit yung dahilan na yon, alam nyang ikadadalawang isip ko sa pagsama sakanya kasama si Kyienne.

"Mama, bakit hindi pa kayo kasal ni tito Kyle?" Napatigil ako sa pagsuklay ng buhok nya sa tanong nya

"I don't know, baby. Pero hayaan mo, sana bumalik ang memory ni Mama para maalala nya kung bakit. Ipag-pray mo" Tumingin sya sa akin at agad akong dinamba ng halik sa pisngi.

"Yes, Mama! I will"

"Kamusta ang mag-ina ko?" Napatingin kami kay Kyle na kakapasok palang sa pinto. Nakaluwag ang necktie nito at nakasabit ang suit nya sa braso nya.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon