Chapter 22

75 3 0
                                    


"Daddy!" Iyak ni Kyienne habang hawak ang paa ng Daddy nya.

"Baby. Babalik din kaagad si Daddy" umupo si Kyle at niyakap ang anak nya. Lumapit ako at hinagod ang likod ng anak ko na walang tigil sa pag iyak.

4am palang pera nagising na si Kyienne at ngayon, ayaw nyang paalisin ang Daddy nya.

"Sige na, anak. Malelate si Daddy sa flight nya oh" Sabi ko sakanya.

Umiling iling sya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa Daddy nya. Nagkatinginan nalang kami ni Kyle. Bakas ang lungkot sa mata nya dahil sa pag iyak ni Kyienne.

"Kailangan nang umalis ni Daddy. Uuwi din agad sya" Sabi ko habang tinatanggal ang pagkakakapit nya sa leeg ni Kyle.

"Anong gustong pasalubong ng baby ko?" Ngumiti si Kyle nang tuluyan na syang binitawan ng anak nya.

"I-I want you, Daddy. Wag ka na umalis" Humihikbing sabi ni Kyienne.

"Uuwi din agad si Daddy. Tatawag ako lagi sainyo ni Mommy, okay?" Nag isip si Kyienne sandali at bahagyang tumango.

"Oh, sige na, apo. Aalis na si Lolo Daddy tsaka si Daddy a? Wag na iiyak. Smile na" sabi ni Daddy Clyde kaya napilitang ngumiti si Kyienne.

Ilang sandali lang, tuluyan nang umalis sila Kyle. Hindi na sila nagpahatid sa airport dahil susunduin sila ng isang company car dito. Kanina pa nga naghihintay sa labas ang sasakyan at kanina pa pabalik balik dito sa loob ng bahay si Tito Carl para sabihing malelate na sila sa flight. Nandon narin daw sa sasakyan ang mga investors na kanina pa din naghihintay.

Ayaw lang talagang paalisin ni Kyienne ang Daddy nya kaya natagalan silang lumabas ng Daddy nya.

Nakatanggap din ako ng text mula kay Kyle.

From: Kyle

Mag-iingat kayo. Pakisabi kay Kyienne na uuwian ko sya ng maraming pasalubong. Alam kong nagtatampo yan. Tatawag ako pagdating namin don. I love you, Shen

Yun ang nakalagay kaya napangiti ako.

Nakatanggap narin ako ng text mula kay ate Jenna na susunduin nya daw kami ni Kyienne mamayang tanghali.

Nakatulog ulit si Kyienne. 5am palang pero hindi na ako makatulog. Hindi kasi ako sanay na wala si Kyle kapag natutulog ako kaya nag ayos nalang ako ng gamit namin ni Kyienne para sa dalawang araw namin sa Bataan. Binawasan ko lang ng mga damit ang dinala dito ni Kyle na gamit namin. Inilagay ko lang sa ibabaw ng kama nya. Masyado naman kasing madami yung inuwi nya dito sakanila. Parang isang buwan kaming titira dito sa bahay ng parents nya.

Nang lumiwanag na sa labas, nagising si Kyienne at saktong tinawag kami ni Mommy Nicole para magbreakfast.

"Mama, kailan uuwi si Daddy?" Tanong ni Kyienne kaya napatigil kami ng lola nya sa pagkain.

Nagkatinginan kami ni Mommy Nicole. "Sandali lang si Daddy doon, Anak" Ngiti ko sakanya kaya tumuloy na sya sa pagkain.

"Mukhang namimiss na nya si Daddy nya" sabi sakin ni Mommy Nicole.

"Lagi po kasi kaming tatlo na magkakasabay kumain ng breakfast. Baka hindi lang po sya sanay" Tinanguan nya ako kaya nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, ibinaba ko na sa sala ang mga bag na naglalaman ng gamit namin ni Kyienne.

"Saan ang punta nyo?" Tanong ni Mommy Nicole na nakaupo sa couch dito sa sala.

"Ah. Sa Bataan po. Inaya po kasi kami ni ate Jenna. 2 days lang naman daw po"

Napatango sya at ngumiti. "Ah. Wala kasing nabanggit sa akin si Kyle"

"Nagpaalam na daw po si ate Jenna sakanya. Baka po hindi lang nabanggit sa inyo dahil busy po sya sa pag aayos para sa alis nila. Okay lang po ba kayo dito? Gusto nyo po bang sumama nalang?"

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon