Chapter 11

81 1 0
                                    


"Daddy, this is so big!"

Bungad ni Kyienne. Napalibot naman ang tingin ko sa opisina nya. Malaki nga ito at kitang kita ang view ng mga buildings sa labas. Mukhang mamahalin din ang mga gamit dito sa loob.

"This is my office, Baby" Ngiti ni Kyle. Umupo si Kyle at agad na nagpakandong ang anak nya.

"Baby baba ka dyan. May work pa si Daddy mo"

"Okay lang. Pipirmahan ko lang naman yung mga papers. Naglalambing lang sya" Tumango nalang ako kay Kyle. Umupo ako sa may couch at tiningnan lang ang mag-ama.

"Gusto nyo ng miryenda?"

"Yehey! I want burger!"

Agad na nagpadeliver si Kyle ng burger a bucket meal sa Jollibee na agad namang nadeliver after 15 minutes. Tuwang tuwa nanaman si Kyienne dahil sa burger nya.

"Daddy, siguro naiinip ka po dito pag ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Kyienne sabay kagat sa burger nya.

"Minsan. Madalas namang pumunta dito si tito Luke mo kapag lunch time. Dyan lang kasi sa malapit ang hospital na pinagtratrabahuhan nya"

"Pupunta po si Tito Pogi dito mamaya?" Nagningning naman ang mata ni Kyienne.

"Yah. Tinawagan ko sya kanina na isasama ko kayo dito" ngiti ni Kyle.

"Panatag na ang loob nya kay Luke, no?" Baling nya sa akin.

Tumango ako at ngumiti. "Oo, ang sabi nila ate Jaymee, madalas daw doon sakanila si Luke tuwing weekend para pasyalan si Kyienne.

"Noon?"

Tumango ulit ako. "Noong 1 year old palang daw si Kyienne"

"Yes, Daddy! Pero lagi lang kami sa bahay. First time nga nya akong ipasyal sa mall nung first time kitang makita at tinulungan mo po ako para mahanp sya" Masayang kwento ng anak ko.

"Matagal nang kilala ni Luke si Kyienne? Si Luke ang tito Pogi na kasama mo noong nawala ka? Bakit hindi ko agad naisip yon?"

Kumunot ang noo ko sa reaksyon nya. Hindi nya ba alam?

"Oo." Tumango ako.

"Alam mo po ba. Akala ko noon si Tito Pogi ang Daddy ko e. Ang bait bait nya ko kasi tapos lagi nya kong pinapasalubungan"

Bakit pakiramdam ko ay nilaglag ko si Luke? Hindi ko alam na hindi pala alam ni Kyle na matagal nang magkakilala lang anak nya at ng tito Luke nya.

Natahimik lang si Kyle pagkatapos non. Ang tahimik ng paligid at ganon lang kami hanggang sa magtanghali. Si Kyienne lang ang salita ng salita at nilalambing ang Daddy nya.

May kumatok sa pinto kaya nabaling ang tingin ko doon.

"Sir Kyle, nandito na po sila Sir Luke"

"Papasukin mo nalang." Utos ni Kyle kaya bumukas ang pintuan ng opisina nya.

Pumasok si Luke at.... si Jenna

"Hey, bro! Hey, Shen! Hey, Baby girl!" Bati nya sa aming tatlo. Tinabihan ako ni Luke at si Jenna ay dirediretsong umupo sa upuan sa tapat ng table ni Kyle.

"Mag-uusap tayo mamaya, Luke"

Mukhang gulat naman at nag takha ang mukha ni Luke. "Bakit bro?" Hindi sya pinansin ni Kyle nang magtanong nya.

Tiningnan lang ako ni Luke na parang natatanong. "Sorry" yun lang ang nasabi ko.

Nagiguilty ako. Mukhang mapapahamak pa si Luke dahil sa amin.

Tinitigan ko nalang si Jenna habang pinagpapantasyahan nya ang mukha ni Kyle. Hindi naman sya tiningnan ni Kyle dahil bukod sa pumipirma sya sa mga papel, kinukulit sya ni Kyienne.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon