Chapter 15

81 1 0
                                    


"Kailan pala ang kasal nila Luke at ate Jenna?" Tanong ko kay Kyle pagkatapos kong ngumuya.

"Sa July pa naman. Kailangan pa kasing maayos ang papers nila para sa kasal"

"Daddy, anong buwan na po ngayon?"

"April na anak." Sagot ni Kyle.

"Ahh. E kailan po ako papasok sa school? I'm so excited to meet new friends" Nakangiting sabi ni Kyienne.

"Sa June pa yon, Baby. 2 months pa. Pero bibili na tayo ng mga gamit mo sa school, gusto mo?" Nakangiting tanong ni Kyle.

Nagningning naman ang mga mata ni Kyienne. "Yes, Daddy! When po?"

"After you eat your breakfast, magbihis na tayo tapos pupunta tayo sa mall para bumili ng mga gamit mo" Ngiting ngiti na sagot ni Kyle.

Dahil sa narinig ng anak ko, agad nyang tinapos ang pagkain nya at nagmadali akong yayain paakyat sa kwarto para sabay kaming maligo.

Pagdating namin sa mall, tatalon talon si Kyienne habang hawak namin sya ni Kyle sa magkabilang kamay.

"Baka madapa ka naman dyan, anak." Natatawa kong sabi kaya huminto sya pero mabilis na naglakad kaya napabilis din ang lakad namin ni Kyle.

"Daddy, I want that bag po!" Itinuro nya ang kulay sky blue na bag na may design na princesses.

"Blue? Ayaw mo ng pink, anak?" Tanong ko na agad nyang inilingan.

"I want blue, Mama."

Kinuha ni Kyle ang blue na bag at hinayaan naming si Kyienne ang mamili ng mga design ng notebook, lapis, pencil case, inuminan, payong, kapote, boots at black shoes nya. Mukhang excited nga talaga syang pumasok sa school

"Yung ibang bata, ayaw na pumapasok sa school lalo na kapag first time pero itong si Kyienne, kakaiba talaga" natatawang sabi sa akin ni Kyle habang nakatingin kami sa anak namin na namimili ng mga pagkain na gusto nya. Nandito na kami sa department store at dala dala na ni Kyle ang mga pinamili namin kanina para sa gamit ni Kyienne sa school.

"Matalino yan, parang ikaw" natatawa kong sabi.

"Mas matalino ka kaya sabi. Valedictorian ka kaya ng University nung grumaduate ka"

Totoo?

"Hindi basehan yang kalagayan mo ngayon para ibaba mo ang sarili mo. Mas matalino ka sa akin at sayo nagmana ang anak natin" Tumawa pa sya.

"Bakit matalino ka rin naman e. Napapalakad mo naman ang kompanya nyo"

Nginitian nya ako. "Tinutulungan ako ni Luke noon. Pero ngayon may inspirasyon na ko kaya naaayos ko na ang lahat ng mga mali ko noon"

"Mama! I want this" ipinakita ni Kyienne ang dala dala nyang biscuit.

"Okay, ilagay mo nalang dito sa cart. Yan lang ba ang gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Opo." Ngiti nya.

"Isa lang, baby? How about, bili tayo ng ingredients ng burger para makagawa tayo sa bahay tuwing gusto mo non?"

"Yehey! Yes, Daddy!"

Kumuha kami ng patty, cheese, mga sauce para sa burger at ban. Kumuha rin si Kyienne ng hotdog, egg, bacon at ham para daw ilalagay din nya sa burger nya.

Pagkatapos naming bumili, nag aya si Kyle na kumain. Dinala kami ni Kyienne sa Jollibee kaya natatawa nalang kaming dalawa ni Kyle.

Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa parking lot.

Napatulala ako nang biglang may bumuhat at itinakbo ang anak ko. Dahil sa gulat, naistatwa lang ako at tiningnan si Kyle na hinabol ang lalaki.

"Ma'am!" May lumapit sa akin na mukhang staff ng mall kaya bumalik ako sa katinuan. Ibinagsak ko ang mga pinamili namin at agad na tumakbo para habulin ang lalaking kumuha sa anak ko.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon