Chapter 20

83 3 0
                                    


"May goodnews si Daddy!" Bungad ni Kyle pagpasok nya sa bahay.

"Daddy! Daddy, what is that?" Excited na tumalon talon si Kyienne dahil sa sinabi ng Daddy nya. Natawa nalang ako. Ang cute!

"We will going to a birthday party!"

"Yehey! Birthday party!" Napahinto si Kyienne at tiningnan si Daddy nya. "Kaninong birthday, Daddy?"

"Birthday ni Lola Nicole mo, Mommy ni Daddy" ngiti ni Kyle sa anak namin.

"Pupunta po kayo sa house nila? Yehey! Gagawa ulit kami ng burger ni lola!"

5pm nang dumating si Kyle galing opisina at 6pm kami natapos maghanda at pumunta na sa bahay nila Tita Nicole.

Naalala ko na Kyienne Nicole pala ang buong pangalan ni Kyienne. Ibig sabihin, ipinangalan ko sa aming dalawa at sa Mommy nya ang anak namin?

Dumaan kami sa malapit na mall at bumili ng pangregalo sa Mommy ni Kyle.

"Buti naman at nandito na kayo! Pasok kayo!" Salubong ni Tita sa amin at nagbeso.

"Happy Birthday, Lola!" Kiniss nya ang lola nya at iniabot ang regalo nyang silver bracelet na nakakahon.

Nakita yon ni Kyienne habang naghahanap kami ng pangregalo. Napadaan lang kami sa jewelry shop at hinatak nya kami papasok doob dahil sigurado daw na magugustuhan ni lola nya yon.

"Ang sweet naman ng prinsesa namin! Salamat!" Niyakap nya si Kyienne at kinilig naman ang anak ko.

"Happy Birthday, Mom" kiniss ni Kyle ang Mommy nya kaya napangiti ako.

"Happy Birthday, Tita" iniabot ko sakanya ang regalo namin ni Kyle. Nginitian nya ako at niyakap.

"Call me, Mommy."

Lumawak ang ngiti ko nang sabihin nya yon.

"Sige na nandoon na sila Jenna sa table nyo. Diretso lang kayo sa garden"

Bineso namin ni Kyienne ang daddy ni Kyle na nasa tabi lang ng Mommy nya at nagbro hug naman ang mag-ama. Dumiretso kami sa garden at nagulantang ako sa ganda ng paligid.

Napakadaming ilaw na nakapalibot sa mga puno at may mga ilaw din sa iba't ibanh klase ng mga bulaklak. Madilim na dahil 6:30 na. Nakisabay pa ang mga bituin na nagniningningan sa kalangitan.

"Shenna! Dito!" Napalingon kami nang tawagin kami ni ate Jenna at kumaway kaya lumapit kami sakanila. Nandito nadin si Luke, ate Jaymee, Kuya Lyndon at Baby Lynlyn.

Nasa tabing table naman namin sila Mommy, Tito Carl, Tita Linda, Tito Vince, Tita Flor, Tito Miggy at Tita Glenda. Masaya silang nag uusap at nagtatawanan pa sila ng malakas.

"Ngayon nalang ulit sila nagsama sama kaya ang iingay nila" sabi ni Luke nang mapansing nakatingin ako sakanila.

"Magbebestfriend talaga sila. Sayang lang at wala si Tito Lucas. Sya pa naman ang pinakajoker sakanila" sabi ni ate Jenna kaya napatingin ako sakanya.

"Jenna" saway ni Luke kaya nagsorry si ate Jenna sa akin.

Ilang sandali pa, dumami na ang mga bisita nila. Maraming mukhang mga bussiness man. Pumasok na rin ang mommy ni Kyle at umupo si Daddy Clyde sa tabi nila Tito Carl. Samantalang si Mommy Nicole ay pumunta sa gitna ng stage.

"Salamat sainyo dahil nandito kayo ngayon. Feeling ko tuloy ang tanda tanda ko na kasi lumipas nanaman ang isang taon ng buhay ko" panimula nya kaya nagtawanan ang lahat at ang pinakamalakas na tawa ay ang table nila Mommy.

"Double celebration narin ito dahil dumating na ang kauna-unahang apo ko na mas maganda pa sa lola nya. Si Kyienne Nicole!" Sabi pa nya at tumingin sa amin. Sinenyasan nya kaming paakyatin si Kyienne sa stage kaya tumayo si Kyle at binuhat ang anak namin.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon