Chapter 17

80 2 0
                                    

"Tatlong bilyon?! Kyle, malulugi ang kompanya nyo!"

Nagpaikot ikot si Luke. Nakatingin lang ako at si Ate Jenna sakanilang dalawa.

"Para sa anak ko" seryosong sabi ni Kyle.

"Alam ko naman, Kyle. Pero pwede naman tayong humingi ng tulong kay Dad" seryoso din si Luke na nakatingin kay Kyle.

"Hindi, Luke. Kaya ko to. Malaki na ang natulong nyo sa amin."

Wala nang nagawa si Luke kundi umupo sa tabi ni ate Jenna.

"Fine" tanging nasabi nya.

"Pero mas makakatulong din sila Tito Miggy, Kyle. Sigurado namang willing silang tumulong sayo" Pag aalala ang bumabalot ngayon sa mukha ni Ate Jenna.

"Ako ang Daddy ni Kyienne. At gagawin ko ang lahat mabawi lang sya"

Nang matapos kasing tumawag nung kumidnap kay Kyienne, dumating si Luke at ate Jenna dito sa room na tinutuluyan namin dito sa resort.

Nakatulala lang ako at nakikinig sakanila mula pa kanina dahil wala naman akong magagawa. Wala akong pera na tatlong bilyon at tanging si Kyle lang ang makakapaglabas ng ganoong kalaking pera. Pero kapalit non, ang kompanya nila. Yung kompanya na pinaghirapan ni Tito Clyde, Luke at Kyle.

Napakagat labi nalang ako at hindi nanaman napigilan ang luha ko na lumabas. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nawala ng tuluyan ang anak ko sa akin.

Pero natatakot din ako na bumagsak ang kompanyang pinakaiingatan ng pamilya Smith.

***

Dumating ang oras. Nandito na kami sa lugar na tinext ng kumuha sa anak ko. Nasa paligid narin ang mga pulis at nasa harap na namin si Kyienne at ang mga lalaking nakaitim.

"Nasan ang pera?"

"Nandito!" Itinaas ni Kyle ang kamay nyang may hawak ng dalawang bag ng pera. Nakatahimik lang aki at nakatitig kay Kyienne.

Umiiyak ang anak ko at nakatingin sa akin. Paulit ulit na binabanggit ang 'Mama' at 'Daddy'

Nadudurog ang puso kong makita ang anak ko sa kalagayang ganyan.

"Tingnan mo!" Utos ng lalaking may hawak na baril na nakatutok sa amin. Agad na lumapit ang isang lalaki at binuksan ang mga bag.

"Possitive! Nakaamoy ako ng kayamanan!" Tuwang tuwang sabi ng lalaki habang inaamoy ang pera.

"Pakawalan nyo na sya!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin ang lalaki.

"Narinig nyo ang magandang babae. Pakawalan ang bata!" Utos ng lalaki. Agad naman nilang itinulak ang anak ko kaya nadala ito.

"Dahan dahan naman!" Nagmamakaawa na ako sakanila pero patuloy parin ang pagtulak nila kay Kyienne.

Nang makabawi ng lakas, agad na tumakbo ang anak ko sa akin kaya sinalubong ko sya ng yakap."Mama! Mama!"

"Okay na anak. Tahan na. Nandito na sila Mama"

Inilagay ng mga lalaki ang bag sa isang van habang nakatutok parin ang baril ng isang lalaki sa amin.

"Alis na!" Sigaw nya at agad kaming pinaputukan. Natakot ako kaya agad akong napatakbo palayo sakanila. Kasunod ko si Kyle at nakarinig na kami ng sunod sunod na putok.

Nagsilabasan narin ang mga pulis na nakabantay at pinaligiran ang mga lalaki. Pero nakaalis ang van kaya agad kaming pumasok sa kotse ni Kyle at pinaandar nya ito ng mabilis paalis sa lugar na yon.

Agad kong tinanggal ang tali sa kamay ni Kyienne at nakitang nagmarka ang tali sa kamay nya. Hinalikan ko ang ulo nya at muli syang niyakap.

"Aish!" Napatingin ako kay Kyle na nagdadrive na sobrang pawis na pawis.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon