Chapter 16

72 0 0
                                    


"Lynlyn! Don't run!" Hinabol ni Ate Jaymee si Baby Lynlyn at Kyienne na tumakbo papalayo sa amin habang naghahagikgikan.

"Ang kukulit! Ganyan kaya ang magiging anak ko?" Tanong ni ate Jenna sa akin.

"Sigurado yan. Ganyan talaga ang mga bata"

"Nako! Masisira ang beauty ko kapag siguro marami ang anak ko. Tama na siguro yung isa" Natatawang sabi ni ate Jenna. Natawa naman din ako. Ano na kaya ang itsura ko kung gumising ako bigla na walang maalala at malalaman kong marami akong anak? Kay Kyienne palang, pagod na ko kapag naglalaro kami. Haha!

"Hindi ka pa ba buntis ulit?" Napakurap ako sa tanong ni ate Jenna.

Inangat ko ang dalawang kong kamay at umiling. "Hindi kami nag-aano"

"Nag-aano?"

"Nag-aano. Gumagawa ng ano"

Kumunot ang noo nya at nagcross arms. "Ano?"

"Ng baby."

Humalakhak sya sa narinig nya. "Nakatira kayo sa iisang bahay, iisang kwarto ang tinutulugan nyo, hindi pa kayo nagsesex?"

Naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil sa tanong nya. Hindi ako makasagot.

"Sabagay. May pinagdadaanan ka pa pala ngayon. Ano na palang balit sa ala ala mo?" Sumeryoso ang mukha nya at mukhang naghihintay ng isasagot ko.

"W-wala pa naman akong ibang natatandaan" napatango sya sa sinabi ko.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya yung napanaginipan ko. Baka masaktan lang sya ulit kapag nalaman nyang naalala ko na yung araw na nagtapat sakin si Kyle at nakita nya yon.

"Mama! Si tita Jaymee!" Agad akong napatayo nang makita ang anak ko na hapong hapo at hingal na hingal.

"Anong nangyari?"

"M-may blood po" Dahil sa sinabi nya, agad akong napatakbo papunta sa kinaroroonan nila ate Jaymee.

"Call your Dad and Tito Lyndon" Rinig kong utos ni Ate Jenna kay Kyienne bago ako makalayo sakanila.

"Ate!" Naabutan kong nakaupo si ate Jaymee at nagkakagulo ang mga staff ng resort at mukhang hindi nila alam ang gagawin.

"S-Shenna. Ang baby ko" Mahigpit akong hinawakan ni Ate Jaymee sa kamay kaya napapikit ako.

"Tumawag na ba kayo ng ambulansya?" Tanong ko sa staff na agad namang sumagot ng 'opo'

"Kapit ka lang, ate. Dadalin ka namin sa ospital. Walang mangyayari kay Baby" Pagpapalakas ko ng loob sakanya bago dumating si Kyle at Kuya Lyndon.

"Idala na natin sya agad sa ospital. Wag na nating hintayin yung tinawagan nilang ambulansya" sabi ko kay Kyle kaya agad namang binuhat ni Kuya Lyndon si Ate Jaymee papunta sa kotse nila.

"Susunod kami" Sabi ni Kyle kay Kuya bago pinaharurot ni Kuya Lyndon ang kotse.

Agad naman kaming umalis at sumunod sakanila.

Naghintay lang kami sa labas ng ER hanggang sa lumabas ang doktor. Agad na lumapit si Kuya Lyndon sakanya.

"Ako po ang asawa nya. Ano na pong nangyari sakanya? Kamusta po ang anak namin?"

Ngumiti ang doktor sakanya. "Mabuti nalang at malakas ang kapit ng bata. 6 months na kasi ito kaya kailangan nyang mag-ingat. Sa ngayon, kailangan nya ng pahinga. Kapag okay na ang kalagayan nya, pwede nyo na syang iuwi. Makakabuti sakanyang magbed rest muna"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.

"Kyle"

"Hmm?"

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon