Chapter 23

71 0 0
                                    


"Shenna. Kumain ka. Baka magkasakit ka nyan" napalingon ako kay ate Jenna nang pumasok sya sa room namin.

"We supposed to have a good time. Hindi ganito ang inaasahan ko, Shenna. Ano bang napanaginipan mo? May naalala ka?" Nag aalala ang boses nya nang tabihan nya ko.

"Sila Kyienne at Luke, nasaan?"

"Nasa beach sila, inaaliw ni Luke ang anak mo. Nag aalala na sayo si Kyienne. Mula kaninang umaga, hindi ka pa kumakain" Hinawakan nya ang kamay ko kaya napaurong ako.

"M-may naalala ka ba?" Tanong nya ulit.

Dahan dahan akong umiling. "Nanaginip lang ako ng masama"

"Wag mo nang alalahanin yun. Mag enjoy tayo dito." Nginitian nya ako kaya ngumiti nalang ulit ako.

Hindi maalis sa utak ko yung panaginip ko. Hindi ako makapaniwala sa naalala ko.

Kinain ko nalang ang dala nyang pagkain para hindi pa sya magtanong ng magtanong. Nag ayos ako ng sarili ko at sumama sakanya na puntahan sila Kyienne sa tabing dagat.

"Mama! Swimming tayo!" Aya ni Kyienne nang makita ako.

"Sige, Kyienne. Pero sa mababaw lang tayo a? Hindi marunong magswimming si Mama" sabi ni ate Jenna kaya natawa si Luke.

Nagtampisaw kaming dalawa sa mababaw na bahagi ng dagat. Hapon na at nasayang ang umaga at tanghali dahil sa pag iisip ko sa panaginip ko.

Nandito kami para magenjoy kaya tsaka ko na iisipin ulit yon.

Bago magdilim,nag aya sila ate Jenna na umupo sa buhanginan.

Gumawa si Luke ng apoy sa gitna naming apat at umupo kami sa paligid non.

"May dala akong marshmallow!" Inangat ni Luke ang kamay nyang may hawak ng supot ng marshmallow. Itinusok nya yon isa isa sa barbeque stick na dala din nya at tinuruan ang anak ko na iluto yon sa apoy at kainin.

"Hmmm! Ang sharap!" Sabi ni Kyienne kaya natawa kaming lahat.

Humiga ako sa buhanginan at tinitigan ang mga bituin sa langit.

"Alam mo ba Shen, lagi tayong pumupunta noon sa boracay tuwing bakasyon noong mga college pa tayo" kwento ni Luke.

"Oo nga, kasama pa natin noon yung mga parents natin. Kahit graduating na kami noon, nagagawa parin nating mag outing" sabi ni ate Jenna.

"Mama, sino ang may gawa ng mga stars?" Singit ni Kyienne.

"Si God ang may gawa ng mga yan, anak. Pati yang dagat tsaka itong lupa" sagot ko sa tanong nya.

"And what about me? Kayo ni Daddy ang may gawa sakin?"

Napatahimik ako sa tanong nya habang si Luke at ate Jenna ay tumawa ng malakas.

"Oo baby girl. Si Daddy at Mama ang naghirap na gumawa sayo!" Sagot ni Luke sa tanong ng anak ko kaya agad syang binatukan ni Ate Jenna.

"Ikaw talaga! Napakabastos ng bunganga mo!" Natatawang sabi ni ate Jenna.

Napalingon ako kay Kyienne nang tumawa sya.

"Si tita Jenna at Tito Pogi po ba, gagawa rin ng baby?" Tanong pa nya kaya napahinto sa pagtatawanan ang dalawa. Namula ang mukha ni ate Jenna at si Luke napatahimik at napayuko.

"Si Papa God ang may gawa sa mga tao, anak. Gift ka sa amin ni God kasi binigay ka nya sa amin. Kung siguro magpapakabait itong si tito Luke mo, baka bigyan din sila ni Tita Jenna ng gift ni God pag kasal na sila" natatawa konh explain kay Kyienne.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon