Chapter 3: Lead

146 6 2
                                    

Luke's POV

"Kyienne!" Napatingin sa akin si Kyienne at tumakbo ito payakap sa akin.

"Tito Pogi!"

"Saan ka ba nagpupunta? Halos atakihin na ko sa puso!"

Totoong halos atakihin na ko sa puso. Pano nalang kung nalaman yon ni Shenna? Ako ang lagot. Baka atakihin nga talaga ako sa puso pag nagalit yon.

"E tito Pogi, naghanap lang naman po kasi ako ng Cr. Sorry na po." Sabi nito at saka ako hinalikan sa pisngi.

"Mabuti naman po sir nandito na kayo. Kanina pa po kasi sya iniwan dito nung nakakita sakanya" nabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita.

"Iniwan? Iniwan nya dito si Kyienne? Kilala mo ba sya?"

Kailangan kong malaman kung sino yon para makapagpasalamat naman ako sa pagdala nya dito sa inaanak ko. Kung hindi dahil sakanya, baka naghuhukay na ako ngayon ng sarili kong libingan.

"May pupuntahan daw kasi sya, Tito Pogi e"

"Talaga baby? Saan daw sya pupunta?" Nagkibit balikat lang sya at saka na yumakap ulit sa akin.

"Napi-pee na talaga ako, Tito" nagpaalam lang ako sa mga stuff doon at saka na dinala si Kyienne sa Ladies Room.

"Dito ka nalang, Tito a? Lalabas din ako agad" pagpapaalam nya.

"Wait!" Napahinto ito nang magsalita ako. Lumingon sya sa akin na parang nagtataka. "Bilisan mo lang a? Hihintayin kita dito sa pinto. Wag kang mawawala ulit" Tumango lang sya sa akin at saka na pumasok sa CR.

Nakatayo lang ako sa tabi ng pinto habang hinihintay si Kyienne.

Buti nalang talaga may nakakita sakanya. Nako. Naiimagine ko na kasi kanina kung ano ang itsura ni Shenna pag nalaman nyang nawala ang anak nya. Patay ako non.

"Hello, handsome" Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko.

"I'm Kate. You are?" Inilahad nya ang kamay nya sa akin.

Napatingin ako kay Kyienne na patakbong lumalapit sa akin.

"I washed my hands, Tito Pogi. Look!" Pinakita nya sa akin ang kamay nya kaya nginitian ko sya. "Very good, Baby." Binuhat kong muli sya bago ibinaling ang tingin sa babaeng nakalahad parin ang kamay.

"Sabi ng Mama nya," tinuro ko si Kyienne na nagtatakha na nakatingin sa babae. "Don't talk to strangers. Kaya makakaalis ka na"

Imbis na umalis sya, ngumiti ito. "I am not stranger anymore, handsome. I already told you my name"

"Well, hindi ko narinig kaya mawalang galang na. Aalis na kami"

Nilampasan ko lang sya. She's not my type. I'm not into clown girls. Mas maganda kasi yung simple lang at hindi yung mukhang clown kung mag make-up. Hindi nya ikiniganda yon.

"Tito, you're too rude"

"No, I'm not, Baby. Hindi ko naman talaga sya kilala"

Natawa nalang si Kyienne dahil sa sinabi ko. "You know what, Tito. The guy who helped me is very kind. I told him na I am not going to talk to him kasi his a stranger but hindi nya po ako iniwan. Sabi nya tutulungan nya lang daw ako."

"Well, thankful naman ako don sa guy na sinasabi mo. Kung hindi ka nya tinulungan, hindi talaga kita makikita"

Nag-uusap lang kami hanggang sa makarating kami sa parking. Sumakay kami ng kotse at sinuutan ko sya ng seatbelt.

"Ready baby?"

"Tito, pwede po bang wag na nating sabihin na nawala ako kay Mama? Please?"

Good idea! Napakatalino mo talaga, Kyienne.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon