Chapter 6: Shenna

152 5 1
                                    


Binuksan ko ang mata ko at nilibot ng tingin ang paligid. Nasan ako?

"Mama!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng matinis na boses na yon.

Tinitigan ko sya ng mabuti pagkaalis nya ng yakap sa akin.

"Mama! I'm glad you--"

"Shenna! Oh thank god! Gising ka na!" Napatingin naman ako sa babaeng kakapasok lang.

"Sino? Ako?" Tanong ko sakanya sabay turo sa sarili ko. Kumunot sandali ang noo nya pero ngumiti sya at niyakap ako.

"Teka teka. Sino bang Shenna? Sino ka ba? Tsaka bakit mo ko niyayakap? Sino to?" Sunod sunod kong tanong sabay turo sakanila isa isa maging sa batang tinawag akong 'Mama'

"What? Shen--"

"You're awake!" Pasok sa eksena ng lalaking nakadoctor uniform.

Oh. Nasa ospital ako? Bakit?

"Hmm. Bakit nandito ako?" Hindi pinansin nung doctor ang tanong ko. Lumapit sya sa akin tapos may nilabas syang parang listahan.

"Anong pangalan mo?" Tanong nya saken.

Baliw ba tong doctor na to? Bakit sakin nya tinatanong ang pangalan ko?

Teka. Ano nga bang pangalan ko?

"Ha? Ewan ko. Bakit hindi ko alam?" Napakamot ako sa ulo ko at halata namang nagulat yung babaeng yumakap sa akin kanina.

"Doc, don't tell me..." napahinto yung babae sa pagsasalita nang tumango ang doctor.

"Yes, Mrs. Sebastian. Confirmed na na may amnesia ang anak nyo"

"Sino?" I asked. Bakit kasi dito pa sila nag uusap sa harap ko. Hindi ko naman sila kilala. Malay ko ba kung sino ang anak nitong babae.

"Ikaw, Ms. Sebastian. May amnesia ka"

"Ako?" Turo ko ulit sa sarili ko.

"Maiwan ko na muna kayo" nagpaalam ang doctor sa amin kaya tumingin ako sa babaeng umiiyak na ngayon.

"Ikaw ba ang nanay ko?" I asked. Kinoconfirm ko lang baka mali kasi ako e.

"Oo, anak. At sya ang anak mo" itinurk nya yung batang babae kaya tumingin ako dito. Nakatingala lang sya sa akin na parang inosente.

"Anak kita? Ang ganda mo naman para maging anak ko."

Napaiyak sya kaya nagpanic ako. "Teka bakit ka umiiyak?"

Inakap nya ako habang umiiyak sya kaya hinagod ko lang ang likod nya.

"Kasi hindi mo ako matandaan, mama."

"Shh. Wag ka nang umiyak"

***

"Ito ba ang bahay natin?" Tanong ko kay ate Jaymee. Yun daw ang tawag ko sakanya sabi nya. Kasama din namin ngayon ang asawa daw nya na si Kuya Lyndon, anak nilang si Jaylyn, nanay kong si Mommy Shiela at anak kong si Kyienne.

Sa tagal ko sa ospital, sila lang ang nakilala ko dahil sila lang ang pumupunta sa room ko doon. At may binabanggit na tito Pogi ang anak ko pero hindi ko pa sya nakikita. Gusto ko nga yun na makita e. Huhusgahan ko lang kung pogi ba talaga sya o pinanindigan ang salitang pogi kasi mukhang aso.

"Oo. Ito ang bahay natin" Nginitian ako ni ate Jaymee at inaya na nya kaming pumasok.

"Ako nang magdadala nyan" Prisinta ni kuya Lyndon kaya hindi na ako tumanggi.

"Ito nalang isa ang akin kuya. Mabigat yung iba e. Salamat po"

Tinanguan nya lang ako at binuhat ang ibinigay ko sakanya papasok sa bahay.

"Welcome home, mama!" Napangiti ako nang batiin ako ni Kyienne. This little girl is so cute. And bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naririnig ko ang boses nya at kapag nasa tabi ko sya. Ito na ata yung sinasabi nila lukso ng dugo.

Nang makapasok kami, may sumalubong sa amin na isang lalaki at isang babae. Yung babae parang katulong dito dahil sa damit na suot nya.

"Ma'am Shenna, salamat at ligtas ka!" Nilapitan ako nung babae kaya nginitian ko sya ng alanganin.

"Ahh. Ano.. hehe" tiningnan ko si ate Jaymee na kaagad namang lumapit sa amin.

"Sya si Manang Helen, Shen. Katulong natin dito sa bahay. Sya ang nag-aalaga sa anak mo kapag nasa trabaho ka"

"Ah. Hello po" mukhang naguguluhan naman sya sa nangyayare kaya nginitian ko nalang sya.

"Hi" napalingon ako sa likod ko at nakita yung lalaki.

Infairness, ang pogi nito a. Sino kaya sya? Anong pangalan nito? Boyfriend ko kaya sya? O friend lang? O baka naman sya ang asawa ko na tatay ni Kyienne?

"I'm Luke."

Luke? Luke ano?

"Tito Pogi!!! You're here!" Biglang may tumalon sa kanya na agad naman syang sinapo. Si Kyienne.

"Ikaw? Ikaw yung Tito Pogi?"

"Ya. Bytheway, how are you?"

Inaya nya akong umupo kaya umupo muna kami bago ako sumagot.

"I'm fine. Medyo sumasakit lang ang ulo ko kapag may sinasabi silang hindi ko maalala"

Tumango tango sya at nagsimulang magkwento kung paanong magkakilala kami.

Kaibigan ko daw sya noong high school kami at hanggang ngayon e magkaibigan kami.

"Ahh. Ganon pala. How about Kyienne? Sinong tatay nya? Nasan ang asawa ko?"

Mukhang nabigla naman sya sa tanong ko. Mukhang hindi nya inaasahan na yun ang tanong ko.

Masama bang magtanong? Hinahanap ko lang naman ang tatay ni Kyienne kasi sa tagal ko sa ospital walang nagpapakilalang asawa ko sya.  Ni walang anino na nakapagsasabing asawa ko sya.

Baka naman patay na?

"Kumain na tayo" nalipat ang atensyon ko kay Mommy. Tinanguan ko sya at saka na tumayo.

"Kain na daw tayo." Sabi ko kay Luke na kandong kandong ang anak ko.

"Oo sige. Susunod kami. Mauna ka na"

Nginitian nya ako pati na rin si Kyienne kaya tinanguan ko silang dalawa. Naglakad na ako papunta sa Dining at naabutan silang nakaupo na.

"Umupo ka na, Shen. Nasaan na sila Kyienne?" Tanong sa akin Kuya Lyndon.

"Susunod nalang daw sila"

Nagkatinginan silang lahat kaya nagpalingalinga ako para tingnan silang lahat.

Ano bang problema nila?

"May problema ba?"

Napatingin silang lahat sa akin at umiling iling. "Wala naman. Sige kumain ka na. Susunduin ko lang sila Luke"

Tumayo na si Ate Jaymee kaya kumain nalang ako.

Kanina pa kasi ako nagugutom. Ang hirap kayang kumain sa ospital. Tsaka oras oras ata may pumapasok sa room ko at sinasaksakan ako ng kung ano ano sa dextrose ko.

Tsaka nakakawalang gana kasi amoy gamot doon. Buti nalang dito, fresh air. Makakahinga na ako ng maluwag.

Sa totoo lang, pakiramdam ko, isa akong kakasilang palang na sanggol. Hindi literal a. Parang lang. Kasi hindi ko alam ang pangalan ko pati mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko kilala. Pati nga yung sarili kong anak at ang ama nito hindi ko kilala pagkagising ko.

Hayy.

------------------

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon