Chapter 2: Date

155 5 1
                                    


"Oh anak, wag kang masyadong malikot a?" Bilin ko sa anak ko habang inaayos ang buhok nya.

"Yes po, mama" Nakangiting sabi nya sa akin. Hinalikan ko sya sa noo pagkatapos kong isuot ang sandals nya at inaya na nya akong lumabas ng kwarto.

"Tito Pogi!" Kyienne kissed Luke.

"Hello my beautiful inaanak. Are you ready na?" Tanong ni Luke sa anak ko, kaya si Kyienne, walang pakundangang tumango ng tumango bilang pagsang-ayon sa Tito Luke nya.

"Oh, say goodbye na kay Mama" sinunod naman ng anak ko ang sinabi ng Tito nya kaya tumakbo ito papunta sa akin. Sinalubong ko sya ng yakap.

"Bye bye, Mama!"

Hinalik halikan ko sya sa magkabilang pisngi kaya napapatawa sya. "Mag-iingat kayo ni Tito Luke mo a? Wag kang hihiwalay sakanya. Tapos wag kang makulit." Kiniss nya ako sa pisngi bago tumango.

"Yes po, Mama! Di po ko hihiwalay kay Tito Pogi tapos di rin po ako makulit"

"Trust me, Shen. Aalagaan ko ang anak mo" tinanguan ko lang si Luke kaya nagpaalam na sila.

"Wag kang magpapawis, anak a?" Pahabol bilin ko sakanila bago sila sumakay ng kotse.

"Yes po, Mama!" Winave nya lang yung kamay nyang nakalabas sa bintana kaya nagflying kiss ako na kaagad naman nyang sinalo.

Nakangiti lang akong pumasok ng bahay.

3 years na mula nung malaman ni Luke na may anak ako, si Kyienne. Hindi naman sya sumira sa usapan na hindi nya sasabihin kay Kyle. Kaya tiwala na ako kay Luke na aalagaan nya ang anak ko.

Sa 3 years na yon, tuwing weekend nandito sya sa bahay kahit na malayo pa ang Manila sa Bataan. Well, Tito duties daw yon, sabi nya.

"What's with the smile, Shen?" Napatigil ako sa pagmumuni muni nang magsalita si Ate Jaymee na buhat buhat ang anak nilang 2 years old na si Baby Jaylyn.

"Wala naman, ate. Kakaalis lang nila Kyienne" pagbibigay alam ko sakanya.

"Ay ganon ba? Saan ba ang punta nila? Sayang walang kalaro ngayon ang baby ko" Nginitian nya ang anak nyang buhat buhat nya.

"Sa mall lang ate. Ang alam ko, sa SM Pampanga lang e"

Tinanguan nya ako. 1 hour lang ang byahe mula dito hanggang doon.

"Ate, papasok narin ako a? Okay ka lang ba dito? Gusto mo samahan nalang kita?"

Nag aalala kasi ako dahil 4 months pregnant sya tapos may alaga pa syang bata. Wala pa naman si Kuya Lyndon dahil may meeting itong pinuntahan.

"No. I'm fine. Tsaka nandito naman si Manang Helen"

Nagbeso lang ako sakanya at kiniss sa pisngi si Lyn na nakatingin sa akin.

"Behave ka lang dyan, baby girl."

Lumabas na ako at nagpahatid sa family driver nila Kuya Lyndon papunta sa resort.

Sa totoo lang, late na ko dahil nga ginayak ko pa si Kyienne para sa date nila ng Tito Luke nya.

***

Luke's POV

Pagkalabas namin sa toystore, naglakad lakad lang kami ni Baby Kyienne habang hawak ko ang kamay nya sa kanan at sa kaliwa naman, bitbit ko ang mga laruang binili ko para sakanya at pati narin mga cute dresses na binili ko rin para sakanya.

Ayaw pa nga nyang bilhin ko iyon para sakanya dahil nakakahiya daw. Sino ba namang bata ang tatanggi? Sya lang. Napalaking tama kasi ni Shen itong inaanak ko. Sa tatlong taon na lagi akong nasakanila, nakita ko kung pano nya itaguyod mag isa ang anak nya.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon