Chapter 18

82 0 0
                                    


"How's Kyle? Si Kyienne?" Tanong ni Ate Jenna pagpasok nya sa bahay.

"Okay naman na, ate. Kumain ka na ba? Saluhan mo kami. Ngayon palang kami mag aagahan e" Inaya ko sya papunta sa kusina.

9am na pero ngayon palang kami magbre-breakfast. Tinanghali na kasi kami ng gising lahat.

"No, thanks. Kakakain ko lang." Sabi nya pero umupo sya sa tabi ni Kyle. Ako naman, sa tabi ni Kyienne.

"Hello, tita!" Nagwave ng kamay si Kyienne at agad na bumalik sa pagkain. Nginitian sya ng tita nya.

"How are you, Kyienne?" Tanong ni Ate Jenna kaya bumalik lang ako sa pagkain at nakinig nalang sakanila.

"I'm fine, tita."

Tumango si Ate Jenna at ibinaling nag tingin kay Kyle.

"Ikaw? Kamusta ka na? Sobrang nag alala kami sayo nang malamang natamaan ka ng baril" may pag-aalala ang mukha ni ate Jenna.

"Okay lang ako. Mas ayos na ako ang natamaan kesa ang mag-ina ko" nginitian ako ni Kyle kaya ngumiti nalang din ako pabalik sakanya.

Tumingin sa akin si ate Jenna at ngumiti din.

"I have a good news, Kyle"

"Ano yon?"

"May naginvest ng malaking pera sa kompanya namin. Isa syang Bussiness Man galing sa Canada. Kaibigan nya si Daddy kaya tinulungan nya kami"

Tuwang tuwa nyang balita kay Kyle.

"Good to hear that! Pero itutuloy mo parin ang wedding, right?"

Naghintay ako sa sagot ni ate Jenna. Kulang kulang tatlong buwan nalang kasi kasal na nila.

"Yes. Tuloy ang wedding" Nginitian nya kaming dalawa ni Kyle.

***

Ilang araw nagpagaling si Kyle at ngayon ay nakakalakad na sya ng maayos. Papasok narin sya sa office dahil sobra na daw ang abala na nagawa nya kay Luke dahil si Luke ang nasa opisina para sa kompanya. Nagpaalam sya sa mga kasama nya sa ospital na hindi muna daw sya makakapasok ng isang linggo dahil may emergency sa kompanya.

"Mag-iingat kayo dito a? Sigurado ka bang hindi kayo sasama?" Tanong sa akin ni Kyle nang ihatid ko sya sa kotse nya.

"Osige na nga. Pupunta kami doon ni Kyienne ng lunch para makapagdala kami ng tanghalian mo. Mag-ingat ka din sa pagdrive mo" tinanguan nya ako at idinungaw ang ulo sa bintana ng kotse para halikan ang noo ko.

"Opo, ma'am." Natawa ako sa sagot nya.

Nang makaalis na sya, pumasok na ako sa bahay at naabutan si Kyienne na nagdradrawing sa salas.

"Anong drinodrawing ng baby ko?" Nilapitan ko sya at napangiti ako ng makita anh drawing nya.

"This is Daddy and this it you, Mama" panimula nya habanh tinuturo ang mga stick na tao sa drawing nya.

"Ito naman po ako tapos ito si Baby brother ko. And gusto ko rin po ng baby sister kaya drinawing ko narin po sya"

Hindi lang pala baby brother ang gusto nya. Pati pala baby sister.

"Kapag nagkababy brother and sister ka na, hindi na ikaw ang baby namin ni Daddy. Gusto mo ba yon?" Natatawa kong tanong.

Tumango tango sya at tumingin sa akin."I am not your baby anymore pag nandyan na sila Mama. I am a Ate na and baby ko narin sila" sabay turo nya sa dalawang maliit na stick man sa drawing

"Very good si ate Kyienne ah! Pero hanggat wala pa sila baby, ikaw muna ang baby namin"

Nagdrawing pa ng kung ano ano si Kyienne at nagpaturo narin syang magsulat at magbasa ng alphabet. Sa totoo lang, masyado pa syang bata para magpaturo pero masyado talaga syang excited na pumasok sa school at maging top 1 sa klase.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon