Chapter 26

139 7 5
                                    


"Kinakabahan ka ba?" Napatingin ako kay Kyle nang hawakan nya ang kamay ko habang nagdadrive sya. Papunta kami ngayon sa prisinto dahil nandoon ngayon si  Tita Linda. Papunta narin daw ngayon si tito Carl na kakauwi lang kaninang umaga.

Tinanguan ko si Kyle. Kinakabahan ako sa mangyayari. Kung mapaamin kasi namin si Tita Linda ngayon, hindi na aabot pa sa korte. Pero kung hindi, wala kaming magagawa kundi ipaabot ito sa korte sabi ni SPO3. Rape kasi at Kidnap ang ginawa nya at attempted murder.

Nakatitig lang ako kay tita Linda habang ipinapasok sya sa opisina ni SPO3 Mindo. Hinawakan ko ang kamay ni Tito Carl na nakatitig ngayon sa asawa nya. Nagsampa na ng kaso si Kyle sakanya kaya kinuha na sya ng mga pulis. Nalaman ko lang yun kaninang pagpunta namin dito. Kaya pala nadala nila dito si tita Linda dahil sa kaso na nasampa ni Kyle.

"Ma'am, magsalita nalang kayo. Para hindi na tumagal pa to" pakiusap ni SPO3 pagkaupo ni tita Linda sa harapan namin.

"Wag ka nang magmatigas, Linda. Kahit pa asawa kita, hindi kita kukunsintihin sa mga ginagawa mo" Pakiusap ni Tito Carl sakanya. Tiningnan ako ni tita ng matalim. Nanlilisik ang mga mata nya na parang may ginawa akong masama sakanya.

"Fine! Gusto nyong malaman? Oo gusto kitang patayin! Sinira nyong lahat ang pamilya ko! Yang magaling mong nanay, tapos ikaw ngayon sa anak ko?!"

"Linda! Ano bang pinagsasasabi mo?" Galit na tugon ng asawa nya.

"Oh bakit, Carl? Hindi ba't si Shiela parin ang mahal mo hanggang ngayon?! Hindi ba't ayaw mo ng pagmamahal ko?! Ikaw ang nagpumilit na hindi ikasal si Kyle ang anak natin dahil kay Shenna?! Hindi ba?!"

Napalingon ako kay tito Carl. Sya ang nagpahinto sa kasal nila ate Jenna? Ang sabi ni Kyle, tumanggi sya sa kasal. At si Tito Carl lang ang pumayag sa pagtanggi ni Kyle? Hindi pumayag si Tita Linda?

"Hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng anak mo! Mas inisip mo ang kapakanan ni Shiela at ng anak nya!"

Nakayuko lang si Tito Carl. "H-Hindi totoo yan! Iniisip ko ang kapakanan ng anak natin! Bakit? Sa tingin mo ba kapag nakasal sila ni Kyle, magiging masaya sila? Matutulad sila sa atin! Sa akin!"

Napaiyak si Tita Linda at napasubsob ang mukha nya sa mga kamay nya. "Ang gusto ko lang naman ang sumaya ang anak natin! Pag nawala ang Shenna na yan sa buhay natin, magiging masaya ni Jenna." Umiyak sya ng umiyak. Napayuko lang ako. Hindi ko kakayaning makita syang ganyan. Tita ko sya. Kapatid sya ni Daddy. At kahit umamin sya na gusto nya kong mawala, kamag-anak ko parin sya at hindi magbabago yon.

"Hindi ko hahayaang maging katulad ako ni Kyle. Ayokong makasal sya sa babaeng hindi nya mahal. Ayokong matulad sya sa akin na nasira ang buhay. Ayokong mahiwalay sya kay Shenna dahil alam ko ang sakit na mawalay sa mahal nya. Pinahaba mo lang ang istorya, Linda. Pati sarili mong pamangkin, dinamay mo sa pagiging makasarili mo. Pati anak natin, nadamay mo sa kasamaan mo. Ito ba ang pangarap mo para kay Jenna? Ang mawalan ng ina? Paano sya magiging masaya kung nakakulong ang nanay nya?"

Umiling iling si tita Linda at humagulgol ng iyak.

"Isa lang naman ang ugat ng lahat ng ito! Ikaw! Pinagkait mo sakin ang pagmamahal mo! Mas minahal mo ang ibang tao, kaysa sa asawa at anak mo!"

"Tita, ikaw ba ang nagpakidnap kay Kyienne?" Malumanay na tanong ni Kyle. Agad na napailing si Tita Linda.

"H-Hindi ako. Wala akong alam don. H-Hindi ako ang nag utos na kidnapin ang anak nyo. Hindi ko kilala ang sinasabi nyong inutusan ko"

Napatulala ako at napatingin kay Kyle.

"P-Pero ikaw ang itinuro ni Gregorio" Gulat na sabi ni Kyle.

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon