Chapter 5:

134 8 0
                                    


"Mama?" Napatingin ako sa anak ko nang tawagin nya ako.

"I said this is Tito Kyle po."

Tiningnan ko si Kyle na mukhang gulat din sa nangyayare. Alam kong mangyayare din to pero hindi ko naman inexpect na ngayon na pala yon. At nauna pa syang makilala ng anak ko. Nauna pa silang magkita.

"A-ano. H-hello K-kyle" Sa halip na kay Kyle, sa anak ko ako ngumiti. Hindi ko alam kung umabot ba yon sa mata ko. Kinakabahan kasi ako. Baka kung anong sabihin ni Kyle sa anak ko.

"Your mama is pretty. Pretty like you" Napatingin ako kay Kyle nang sabihin nya yon. Kay Kyienne sya nakatingin at ngiting ngiti naman sakanya ang anak ko.

"You're very handsome naman po, Tito Kyle"

***

"So..." Panimula si Kyle nang makaupo na kami sa loob ng isang restaurant dito rin sa resort. Ito yung kinainan namin kaninang tanghali nila Ate Jaymee.

"Kyienne, sabihin mo na kay mama yung nangyari kahapon" Napakunot noo ako sa sinabi ni Kyle. Tiningnan ko ang anak ko na ngayon ay nakayuko at magkadikit ang mga palad.

"I'm sorry, Mama" Sabi ng anak ko kaya kumunot lalo ang noo ko.

Sorry for what?

Tiningnan ni Kyienne si Kyle at tinanguan naman ito ni Kyle. Okay? Anong meron? May alam na ba ang anak ko? Anong alam nila na hindi ko alam? Hindi kaya...

"Nawala po ako kahapon sa mall." Pag amin nito sabay yuko.

"What--"

"But that's not Tito Pogi's fault. Hindi po ako nagpaalam sakanya na magc-cr ako. Sorry Mama. I lied. Please po wag nyong pagalitan si Tito Pogi"

Napatitig ako sakanya ng matagal. Bakit hindi sinabi sa akin ni Luke? Siraulong lalaking yon, bakit hindi nya sinabi sa akin? Nababaliw na ba sya? Pano kung hindi nya nahanap si Kyienne? Ililibing ko talaga sya ng buhay pag nagkataon.

"Ako po yung nagsabi kay Tito Pogi na wag sabihin sainyo. I'm so sorry, mama. This is all my fault. Don't blame tito"

Magagalit na sana ako pero malungkot ang mukha ng anak ko. Oh, Kyienne ko.

"Pero dapat sinabi nyo sa akin" pilit kong tinago ang inis ko kay Luke. Tumingala sya para tingnan ako. Katapat ko sya at katabi naman nya si Kyle. Ayoko pa sanang pagtabihin sila pero doon na umupo si Kyienne. Mukhang tuwang tuwa ang anak ko sa tatay nya.

"I don't want you to get mad at Tito. Tito Kyle helped me naman po."

Tiningnan ko si Kyle. So, kahapon pa nya nakilala ang anak ko? Kaya pala mukhang close na sila. Anong gagawin ko?

"A-ah. Ano. Don't do that again, okay?"

"Opo Mama. Promise!" Nakipagpinky promise sya sa akin na agad ko namang tinanggap.

Katahimikan. Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos ng conversation namin ng anak ko.

"Tara na?" Napatingin ako kay Ate Jaymee na papalapit sa akin. Parang kinakausap ako ng mata nya kaya nginitian ko sya.

"Let's go na baby"

Tumayo na ako kaya tumayo na rin ang anak ko. Binuhat ko sya at handa na sanang umalis nang may humawak sa braso ko.

"Can we talk?"

"Ano pa bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sakanya pero sa malayo ako nakatingin. Ayoko syang tingnan. Bumabalik sa akin ang lahat.

"Please"

"Mauna na kaming umuwi" Pipigilan ko pa sana sila ate Jaymee na umalis pero sumang-ayon na ang anak ko.

"Bye Mama! Tito Kyle, please take care of her po" She kissed my cheeks and wave her hands.

"I will"

Pagkaalis nila, tiningnan ko si Kyle na seryosong nakatingin sa akin.

"Have a sit"

Umupo nalang ako since wala naman akong magagawa. I folded my arms over my chest and look at him seriously.

"Kyienne is my daughter" Walang tonong pagtatanong sa boses nya. Obviously, sinasabi nya sa akin na alam nya at confident syang anak nga nya si Kyienne.

"So?"

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. Nilapit nya ang mukha nya sa akin and he playfully smile.

"So? Itinago mo sa akin ang anak ko?"

"Alam mo naman pala bakit tinatanong mo pa? But for me, for us, you're dead."

Halatang nagulat sya sa sinabi ko kaya tinake ko na ang chance na yon para tumayo.

"Patay na ang Kyle na fiance ko noon na nakabuntis sa akin. Wag mo nang subukan na ilayo sya sa akin dahil hindi ako papayag. At please lang wag ka nang magpapakita ulit sa amin lalo na kay Kyienne. Masaya na kami sa buhay namin ngayon at hindi ka namin kailangan ng anak ko. Get lost, Kyle. Hinding hindi na mababalik yung tiwala kaya don't you even dare to try"

Habang gulat sya, tumalikod na ako. Uuwi na ko. Wala naman na akong gagawin dito.

I'm not the old Shenna. Hindi na ako iyakin ngayon at hindi na ako nagpapatalo.

Once na nasira na ang tiwala, mahirap nang ibalik kaya kung ako talaga sakanya, wag na nyang subukan.

Masaya na kami ng anak ko, kaya wag na syang sumali pa. Magugulo lang nya ang lahat.

Tinext ko ang family driver nila Kuya Lyndon para sana magpasundo kayalang nung papunta na sya, nasiraan daw sya. Ang tagal ko pa namang naghihintay.

So no choice, maghahanap ako ng masasakyan. Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa highway, wala parin. Ano ba naman yan, magdidilim na o!

"Karma na ba to?! Ang bilis naman!" Bulong ko sa sarili ko.

Di nagtagal, may dumaan na taxi kaya pinara ko na agad. Pagkasakay ko, sinabi ko lang yung address ko kaya nagsimula nang magmaneho ang driver.

Nilabas ko ang cellphone ko nang maramdaman kong magvibrate ito.

[Nasaan ka na?] Bungad sa akin ni ate Jaymee pagkasagot ko ng tawag nya.

"On my way home, ate."

"Ma'am" napatingin ako kay manong driver nang tawagin nya ako. Halatang nagpapanic sya kaya maging ako ay nagpanic narin.

"B-bakit po?"

"Ma'am wala po tayong preno."

"What?!"

[Shenna? Anong walang preno?! Shen?!]

Napapikit nalang ako dahil sa sakit ng pagbangga ng sinasakyan namin. Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito.

[Shenna?! Anong nangyare?!]

Dumilat ako at hindi ko na nagawang makuha yung cellphone ko na nahulog sa upuan.

Napapikit nalang ulit ako.

---------------

Sorry natagalan! Labyu! 😘

VOTE AND COMMENT!

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon